"Dati pa"
Hindi mo lang alam,
Dati pang meron akong
Nararamdaman
Hindi ko lang talaga
Sinasabi sa iba,
Dahil ang puso ko'y
Nagtataka pa.Pero habang
Nakikilala kita,
Andamen konang
Nalaman,
Tahimik ka pala,
Na para bang isang
Multong nagpaparamdam,
Nararamdaman ko namanPero sa kabila
Ng mundo mong
Puro katahimikan,
Meron palang
Kakulitan.
Nagulat ako ng sobra
Dahil akala ko,
Hindi ka nagsasalita,
Akala kolang pala.Kaya ngayon,
Ako'y sigurado na.
Sigurado nakong
Ikaw na talaga,
Ikaw na talaga ang
Huling hahawak ng
Puso kong wasak
Huling babae na,
Tatawagin kong
'Prinsesa'
Dati kopa talaga
Gustong sabihin sayo na
'Gusto kita'
Kaso alam ko naman na,
May mahal kapang iba,
Pero alam kong,
Masasaktan ka niya,
Kase halatang halata naman na,
Ayaw ka niya talaga.Pero baka gusto
Niyang sabihin na,
Bagay talaga tayong dalawa.
Noon akala ko talaga,
Na tuluyan lang akong aasa,
Pero ako'y mali pala,
Mag pag-asa pa pala.Kaya hindi ko na sasayangin pa,
Ang mga pagkakataong
Kasa-kasama ka.
Lahat gagawin ko,
Para mapasakin ka.
Kaya sana matanong ko na,
Ang dati kopang gustong itanong
Sayo na pwede naba?
Pwede nabang ligawan ka?
Pero alam ko naman,
Na medyo hindi pako
Kilala ng sobra
Ng mga magulang mong
Mga strikto't striktaPero siempre,
Liligawan ko muna sila.
Para magkaroon sila
Ng tiwala
Para ipakita ko sa kanila
Na talagang seryoso akong
Mahal kita.
Kaya haharanahin kita,
Na hindi na ginagawa ng iba.
At gagawa ako ng maraming tula,
Na tungkol sa ating dalawa.
Araw araw kong ipapadama,
Na mahalaga ka,
Sa puso kong nangungulila
Sisiguraduhin kong
Araw araw na may ngiti
Sayong mga labi.Kaya araw araw,
Hihintayin kita.
Kahit ilang buwan,
Taon,o dekada pa.
Kahit hindi maging tayo,
Masaya nako.
Masaya nakong masaya ka
Na kasama moko
At kung maging tayo,
Aba! Higit padon
Ang ipapadama ko.
Aalagaan,iingatan at
Poprotrktahan.
Ngayong palang,
Sinasabi kona,
Mamahalin kita
At kahit minsan molang
Ako makita,
Araw araw konaman sayo'y
Ipapadama
Na meron pang lalakeng,
Mamahalin ka ng sobra-sobra.
BINABASA MO ANG
Makata
PoetrySinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula