"Turon"
Turon.
'Isang pagkain na nagpapatibay ng relasyon.'
Ngayon kolang narinig ang katagang iyon.
Kaya siguro,napabili agad ako sa mga panahon nayon.
Dahil gutom ako?
Dahil masarap?
Hindi ko alam.Ang mga tao sa paligid ko ay nakatingin saamin,
Na parang di makapaniwala sa sa kanilang nakita.
Hindi naman kame multong gala,
Bumili lang naman ako ng turon...
Para tumibay ang aming relasyon.Baket kayo nagtataka?
Porket isang dyosa ang akong kasama?
Porket ako'y isang hamak na lalakeng tingin niyo'y walang
Pag-asa na mapasaakin ang puso niya?Wala naman kase yan sa itsura.
Basta ang mahalaga,
Mahal ko siya.
At kahit marameng tao ang ipagkumpara ako sa iba,
Sa kanya paren ang desisyon,
Kung kanino ba talaga siya nararapat na sumama.At kahit na marame pa kameng pagdadaanang hamon sa buhay,
Magkasama namin itong haharapin at magsasama kami sa kabilang buhay.Kase sa isang simpleng turon,
Ay kayang makapagpabago ng takbo ng panahon,
At kayang kaya din nitong turon nato,
Na makapagpatibay ng isang relasyon,
At sa pagdating ng tamang panahon,
Sa bawat henerasyon,
Ang pagmamahalan namen...
Hinding hindi malilimutan nino man.Dahil kahit hanggang kamatayan,
Mamahalin ko siya,
Hanggang kamatayan?
Hindi lang don...
Hanggang kalangitan.
Magpakailanman.
BINABASA MO ANG
Makata
PoetrySinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula