Tula #18

50 2 0
                                    

"Ikaw lang pala"

Ikaw lang pala,
Ang hinahanap ko.
Ikaw lang pala ang
Gagamot sa
Barado kong puso.
Napakabulag ko.
Hindi ko manlang nakita,
Na ako na pala'y niloloko,
Ng babaeng lalakero,
At nillalandi lang pala ako.

Ikaw lang pala.
Ikaw lang pala ang
Magpapakalma sa
Galit kong puso.
Buti nalang,nakilala kita.
Natutunan kong
Wag magpakatanga sa
Sa mga taong hindi nakikita,
Ang mga effort ko sa kanila.

Ikaw lang pala,
Ikaw lang pala ang
Magpapasaya saken ng
Sobra sobra.
Yung tipong hindi nako
Lulungkot pa.
Ikaw na pala ang
Binigay saken ni tadhana.

Simula nung minahal kita,
Pinangarap na kita.
Pangarap kong malanghap
Ang aroma mo tuwing
Gigising ako ng umaga,
Mahawakan ang kamay mo,
At mayakap ka sa twina.
Matutupad lahat ng ito,
Kung ating ipaglalaban.

Noon pa man,
Araw-araw kitang
Gustong masilayan.
At tuwing ikaw ay lilisan,
Parang ayaw na kitang lubayan.
Kase kapag ako nagmahal,
Buo walang kulang.
Kasi hindi ako mahirap mahalin,
Gagawin ko lahat para patunayan,
Mali man ako o tama,
Mamahalin kita ng walang
Pag-aalinlangan.

Matatagpuan mo ang
Tunay na kaligayahan,
Kung papayagan mokong
Ikaw ay samahan.
Sa mga lugar na
Gusto mong puntahan,
Akin kitang sasamahan,
Iingatan at aalagaan.
Poprotektahan
Kahit kamatayan payan.
Mamahalin kita,
Ng walang katapusan.

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon