Tula #30

22 0 0
                                    

"Hangganan"

Sa sobrang kahabaan,
Ng aking mga pinagdaanan,
Ngayon kolang naranasan,
Ang ganitong kasiyahan.
Eto nanaman,
Hindi ko mapigilang
Kiligin dahil naaalala ko nanaman,
Ang ating mga pinagsamahan.

Sa tuwing ika'y nasisilayan,
Nalilimutan ko ang mga kalungkutan,
Ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan.
Meron atang paru paro sa aking tiyan.
Na kahit sa di kalayuan,
Basta't makita kolang ang mga mata mong nagsisigandahan,
Hindi ko na mapigilan
Ang tuwa at saya na nararamdaman.

Kaya hindi ko sasayangin,
Ang bawat pagtingin mo sa akin.
Dahil matagal ko na itong pinapanalangin,
Na sana ang pag ibig ko'y
Mapansin.

Kaya alam kona sa sarili ko na,
Ikaw na.
Ikaw na ang makakasama ko,
Sa hirap at ginhawa.
Hinding hindi ko magagawang
Saktan o iwan ka,
Dahil ayokong nakikita kitang nagiisa.
Ayokong maramdaman mo na wala kang kwenta.
Tandaan mo,sa akin ikaw ay may halaga.
Dahil simula nung ikaw ay nakilala,
Buhay ko'y nabago bigla.

Kahit na ako ay nahihirapan
Sa takbuhan,
Gagawin ko ang lahat,
Hindi kita iiwan,
Kahit na tayo ay nasa kahulihan.
Tayo ay magtutulungan,
Magdadamayan,
At magmamahalan.
Kahit na magkasakit tayo dahil sa katandaan,
Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmamahal ko sayo na
Walang hangganan.

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon