"Sayaw"
Nung tayo'y nagkasama,
Sa isang sayawan,
Mundo ko ay nagiba,
Nung simulan kitang
Titigan.Kailangan.
Kailangang ika'y titigan,
Kaso hindi ko mapigilan,
Ang mga ngiti saking mga labi
Dahil sa iyong bukod tanging
Kagandahan.At nang aking mahawakan,
Ang mga kamay mong
Kasing lambot ng unan,
Dun nako kinabahan,
Kase ngayon lang kita
Nahawakan ng matagalan.
Hindi ako naniniwala
Sa tadhana.
Pero nung nakilala kita,
Parang gusto kona.Nung nagsimula na
Ang musika,
Hindi ko napigilang
Mapasabay sa kanta.
Hindi ko na namalayan,
Nakatingin na pala ako
Sa iyong mga mata.
Ramdam na ramdam ko na,
Ang hindi maipaliwanag
Na tuwa.
Hindi ko namalayan,
Mahal na pala kita.
Ikaw ba'y may gayuma?
Baket pati ang puso ko'y
Nabihag mona?Kahit sobrang corny kona
Sa karamihan,
Sadyang ito lang ang
Nakikita kong paraan,
Upang makita kolang na
Ikaw ay nasisiyahan.
Lahat naman ng sinasabi ko ay
Walang kaplastikan.
Kaya wag mokong ihalintulad
Sa karamihan,
Na iiwan kalang at
Sasaktan.Dahil ang lalakeng nakasayaw mo
Sa isang entablado,
Ay hinding hindi na mawawala
Sa piling mo.
Sasayaw tayo ng magkasama,
Kahit ang balat nating ay
Kulubot na.
At kakantahan ka,
Kahit ako'y namamaos na.Hindi kona muling bibitawan,
Ang kamay ng babaeng
Aking napupusuan.
Akin siyang iingatan,
At aalagaan,
Kahit buhay kopa
Ang nakalaan.
Mamahalin ko siya ng
Walang hanggan,
Hanggang kamatayan.
BINABASA MO ANG
Makata
PoetrySinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula