Tula #29

19 1 0
                                    

"Kailangan kita."

Kailangan kita.
Kesa sa walang katapusan.
Kailangan kita,
Mas matagal pa sa walang hanggan.
Kailangan kita,
Sa bawat hanging aking nalalanghap.
Kailagan kita,
Dahil sayo kolang naramdaman
Ang pagtanggap.

Kailangan kita,
Hindi lang dahil sa ako'y nagiisa.
Kailangan kita,
Dahil mahal kita.
Simula pa nung tayo'y unang nagkita.
Alam kong ikaw na talaga,
Kaso ngapakatanga pako sa iba.
Hindi pa kase ako sigurado non,
Kase nga tanga ako nung panahon nayon.

Pero kung pwede,
Dito kalang sa tabi ko?
Alam ko,
Sa paglipas ng mga panahon,
Maraming magbabago.
Nagmamakaawa ako,
Takot nakong magtago.
Takot nakong mag isa dito.
Takot akong mawala ka sa tabi ko.

Hindi mo naman kailangang ipangako saken lahat,
Ang gusto kolang naman,
Ay tumatak sa isipan mo,
Na para saken,ikaw ang
karapat dapat.
Kailangan kita,
Hanggang sa aking huling hininga.
Kailangan kita,
Hanggang sa ating huling pahina.
Kailangan kita,
Kase mahal kita.
Sobra.

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon