"Ulan"
Minsa ika'y nagiisa,
Walang makasama.
Hindi mo na alam
Kung san ka pupunta.Naghahanap,
Nagiisip,
Kung san mabaling,
Dito sa mundong mapaglaro.Sa tuwing ikaw ay nalulumbay,
Wala kang makita.
Nais mo lamang na may makasama.
Sayong lungkot akala mo ikaw ay nagiisa,
Di mo lang alam,andito ako
Para damayan ka.
Narito lang ako,kapiling ka.Kung meron kang problema,
Kung gusto mong lumuha,
Andito lang ako,
Handang makinig sa bawat salita.Sa tuwing umuulan,
Laging bumubuhos ang langit,
Sa iyong mga mata.
Pero baket ka pala lumuluha?
Ayos kalang ba?
May nasabe ba akong masama?Kung meron man,
Pasensia na.
Alam ko sa sarili ko na
Hindi ren ako perpektong tao.
Kaya pasensia na,
Kung idadamay kita,
Sa mga plano ko sa buhay.
Ayoko na sayong mapahiwalay.
Dahil sayo kolang naramdaman,
Ang kasiyahan at pagmamahal mong tunay.Kaya kahit umulan pa,
Wag kang magalala.
Dahil andito ako,
Para magsilbing payong mo.
Poprotektahan ka sa anumang sakit,
Na gustong dumapo sayo.Kaya hindi ka na dapat
Lulungkot pa.
Kase andito nako,
Na magpapasaya sa nakasimangot
Mong puso.
Gaya nga ng ulan,
Ang pagmamahalam ko sayo,
Palaging bumubuhos at
Hindi ako hihinto,
Kelan paba ako huminto?
Simula nung nakilala't minahal kita,
Hindi nako sumuko.
At alam kona sa sarili ko,
Hanggang dulo nato.
Atin natin itong ipaglalaban,
Dahil sayang naman,
Ang ating mga pinagsamahan at
Pinagdaanan,
Kung mauuwi lamang tayo sa pagkaluhaan.
Kaya sana naman,maintindihan moko.
Kung minsan,ibang tao ang nakakausap mo.
Siguro nadala lang ito ng galit,
At sama ng loob,
Dahil sa mga taong hindi ako nirerespeto.
Pangako ko sayo,
Lahat gagawin ko.
Pipilitin kong magbago para lang sayo.
Buong lakas,buong tapang
Kitang mamahalin,
Hanggang sa bumigay na ang aking puso,
Dahil sa ito ay barado.
Pero babaliwalain ko lang ito.
Sakit lang naman toh.Kaya mahal,
Lagi mong tatandaan,
Lahit ako man ay lumisan,
Sa mundong ating tinatapakan,
Nasa tabi molang ako,
Lagi kang gagabayan,poprotektahan.
Gagawa ako ng paraan.
Para kahit hindi mona ako masilayan,
Ang pagmamahal ko sayo,
Ay patuloy mong mararamdaman.
BINABASA MO ANG
Makata
PuisiSinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula