Tula #25

43 1 1
                                    

"Eto na ba yon?"

Gabi na,
Pero gising kapa.
Dahil ba sa babaeng nagpapakilig sayo ng sobra?
Oo,kase hindi ko maalis sa isip ko ang tanong na ikinagulat ng aking puso.

Emosyon ko'y pabago bago.
Hindi kona alam kung papano
Ko mapapakalma ang sarili ko.
Nasasabik lang siguro ako,
Sa matamis mong 'oo'

Ayokong mapalayo sayo.
Kase nasasaktan ako lalo.
Kaso hindi kita mapipigilan,
Kase gusto ko ren namang tuparin mo ang pangarap mo.
Wala ren akong karapatan,
Kase wala panamang 'tayo'

"Pano kung sagutin kita?"
Sabe mo na siyang
Ikinagulat ko.
Hininga ko'y pahinto-hinto,
Sa sobrang kaba ko.
Tinatanong mo lang naman kung "pano?"

Ang naiisip konalang sa
Panahon nayon...
"Eto na ba yon?"
Pakiramdam ko,
Parang nanalo ako ng isang milyon.

Huli,
Huling sensyales nalang ang hinihintay mo.
Para malaman naten na ako ba'y para talaga sayo.
Pero ako'y nagtataka,
Baket parang andame mong tinatagong sekreto?

Napapaisip nalang ako,
"Siguro gugulatin ako neto"
Pero bigla mong sinabing,
"May kasalanan ako sayo."
Kinabahan tuloy ako ng todo.
Nawala molang pala ung bracelet na binigay ko sayo.

Pwede naman kitang gawan ng bago,
Pero sabe mo,
"Special kase saken ung bigay mo"
Sobrang napasaya moko.
Kase ikaw nalang ung taong nakakakita ng mga paghihirap ko.

Kaya naman...
Salamat,
Salamat sa pagmamahal mo.
Salamat sa pagiintindi sa ugali ko.
Etong nararamdaman ko,
Hinding hindi na to magbabago.
Kase nabago mo na ehh,
Kaya hindi nako hahanap pa ng iba,
Dahil ikaw na talaga,
Wala ng iba.
Ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko,
At ipagsisigawan ko sa buong mundo,ang ngalan mo.
Isasama kita sa mundo ko.
Lagi akong magiging totoo sayo.

Hindi mona kailangang matakot pa,
Dahil nandito lage ako para sagipin ka.
Lahat gagawin at kakayanin,
Kahit si tadhana pa ang kalabanin.
Basta ikaw lang ay mapasaakin.

Siguro naman,
Sapat na siguro,
Ang huling senyales na binigay sayo,
Para ikaw ay maging sigurado,
Na ako na talaga ang para sayo.
Kaya hindi ko na sasayangin ang oras nato,
'Ponggay ko,Pwede nabang maging tayo?'

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon