"Paraiso"
Tara.
Halina't sumama ka,
Sa paraisong ngayon mo lang makikita.
Sisiguraduhin kong ikaw ay matutuwa,
Dahil mararamdaman mo sa paraiso nayon,
Ang kalayaang tinatamasa.
Hindi kana malulungkot pa,
Sapagkat,ako'y naririto na.
Handang samahan ka,sa hirap at ginhawa.Alam ko.
Alam kong medyo matatagalan tayo,
Matatagalan tayo sa pagpunta sa
napakagandang paraiso.
Pero sinasabi ko sayo,
Hindi ka maninibago.
Dahil mawawala lang naman,
Ang mga negatibong nasisilayan mo,sa mundong tinatapakan mo.Kase papalitan ko ito ng positibo.
Kahit sa simpleng paggawa tula,
Ay ipapadama ko sayo,
Na hindi mo mararamdaman na
Ikaw ay isang bisita,
Dahil matagal kanang nakatira sa paraiso.
Dahil ikaw lang ang 'VIP' sa puso ko.
At tayong dalawa lang,
Ang maninirahan,
Sa paraisong ating gagalawan.
Tayo'y magmamahalan,
Akin kitang kakantahan,
Kahit hindi na tayo magsirinigan,
Dahil sa katandaan.
Dahil palagi kang nasa puso't isipan,
Mamahalin ka hanggang kamatayan.
BINABASA MO ANG
Makata
PoetrySinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula