"Una"
Unang araw ng hunyo,
Tayo'y nagkasama.
Nung nakita ko ang iyong
Mga mata,
Alam kong ikaw ang
Aking nakikita.Unang araw ng hunyo,
Ito ay inyong anibersaryo.
Ng iyong pinakamamahal na idolo.
Na ang ngalan ay 'Darren Espanto'
Kaya gumawa ako ng paraan,
Para ikaw ay masiyahan,
Na kahit siya ay nasa kalayuan,
Iyo paring mararamdaman.Gumawa ako ng
Isang simpleng surpresa,
Na alam kong ikaw ay matutuwa.
Dahil gusto kong suportahan ka,
Kung saan ka masaya.Ngunit sa kabila ng aking kasiyahan,
Ay bigla nalang nangyare ang aking kinatatakutan.
Galit,poot,sakit,ang aking nararamdaman.
At doon na ako nawala sa katinuan.Hindi ko na alam ang mga nangyare...
Akin lamang natatandaan,
Ay nakaupo tayo sa hagdan.
Pero meron paring kumakausap sa aking isipan.
Sinubukan ko itong labanan,
Dahil ayaw kong makita kang
Ako'y kinatatakutan."Sorry ahh...kung ganto ako"
Wika ko,
Ang sinagot mo lamang non ay isang pagtungo.
Pinaliwanag ko lahat sayo,
Para ako'y maintindihan mo.
Dahil sa unang araw ng hunyo,
Ngayon lang nangyare ang lahat ng ito.Pero nung ako'y mahimasan,
Agad kong hinawakan,
Ang iyong mga kamay na nagsisilambutan.
Doon ko naramdaman,
Meron pa palang taong makakaintindi at makakatanggap,
Sa aking kalagayan.Kaya sinabi ko sa sarili ko,
"Pasukan na...araw araw na kitang
makikita."
Dahil ikaw lang ang gusto kong makasama,
Sa aking pagtanda.
Meron nakong ibang pangarap,
Na katotohanan na.
Ng ikaw ay aking makilala.Sayo kolang ilalaan,
Ang pagmamahal kong
Walang katapusan.
Hindi hindi nako aatras pa.
Kahit maraming pakong pagsubok na haharapin.
Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,
Unang beses kong nahawakan ng mahigpit ang mga kamay mo.
Ngayon na ako nakasigurado,
Na sa unang araw ng hunyo,
Ikaw na ang magsisilbing
Mundo ko.
Hanggang sa dulo.
BINABASA MO ANG
Makata
PoetrySinulat koto...para ipamahagi Ang talento ko sa iba at para Maipakita ko kung gano kaganda Ang paggawa ng tula