Rosamie's POV:
"Ami, Ami..."
"Huh? Ano ba yun? Bakit mo ba ako ginigising, Carlo?"
"Tignan mo kasi sa may bintana mo."
Napatingin nga ako tulad ng sinabi niya...at ako'y napangiti sa aking nakita.
Heto na...nakauwi na ako.
Medyo matagal-tagal na rin simula noong huli akong nakauwi sa bahay ko sa Casiguran, Aurora. Doon kasi talaga ako nagmula at lumaki...lagpas apat na taon akong nasanay sa buhay-lungsod...para lang maabot ko ang bituin ng aking mga pangarap.
At ngayon...mayroon na akong dahilan para pagmasdan ang pagsikat ng araw...sa animo'y walang hanggang dalampasigan...na may ngiti sa aking labi.
Maya-maya ay nakarinig na ako ng mga nagtatambol at nagtutrumpeta. Sa pagkakaalam ko, di pa naman piyesta sa araw ng aking paguwi kaya medyo nagtataka ako.
Pero nang makarating na ang van na aking sinasakayan sa bahay ko...doon ko lang naunawaan...
Isang malaking banda na tumutugtog sa harapan ng bahay ko...
Mga tao na nakapaligid sa van...na parang sumasalubong sa isang artista...
At ang tarpaulin na nakapaskil sa bahay ko
"Congratulations!
Ms. Amihan Rosamie A. Bugayong
Cum Laude, Bachelor of Arts in Development Studies, Major in International Development.
De La Salle Pontifical University of St. John Paul the Great, Dasmariñas City."Dapat nga sorpresa ang pagdating ko dito eh! Sasapakin ko talaga pag nalaman ko kung sinong nagspoil sa paguwi ko!
"Hehehe! Uy! Di po ako artista!" Biniro ko pa nga ang mga taong nakipagkamayan sa akin. Sa dami ng taong sumalubong sa akin, naisip ko halos buong barangay ang naghanda para sa akin.
Pagdating namin sa bahay ko, naabutan ko sina Nanay at Tatay na naglalagay na ng plato sa lamesa. Pagkakita nila sa akin, agad nila ako hinagkan ng mahigpit.
"Nakauwi na po ako." Hindi ko maiwasang maluha. Sa wakas, worth it ang pagkawalay ko sa kanila after four long years.
"Salamat at nandito ka na. Proud na proud talaga ako sa iyo, Rosamie!" Napangiti na lang ako habang hinihimas ni Nanay ang aking buhok.
"By the way, Nay. Bakit ang dami namang tao ang nasa labas para sumalubong sa akin? Di naman ako artista atsaka supposed to be surprise nga yung paguwi ko dito."
"Eh, sisihin mo yung fiance mo. Tumawag yan noong isang linggo na maghanda at pauwi ka na daw. Eh yang tatay mo ay nagtawag ng buong barangay para sumalubong sa iyo."
"Hmm! Di ba't sinabi ko sa iyo na dapat secret mission ang paguwi ko?!" Nagtampo tuloy ako kay Carlo, na fiance ko. "Sabi ko pa nga sa iyo na katakot-takot na gastos ang aabutin nila Nanay pag sinabi mo eh! Hmm! Sasapakin talaga kita eh!"
"Uy! Sorry na, Ami. Di ko naman sinadya eh. Excited lang ako sa paguwi natin."
"Excited...hmph!" Nagtawanan ang mga magulang ko sa pagtatampuhan naming dalawa.
"Sige na. Sorry na please, Ami."
Sa pagmamakaawa ni Carlo ay nahawakan niya ang kamay ko. O siya, nagiging totoo siya...di tulad ng mga sinadya niyang kapilyuhan noong nasa college pa kami.
BINABASA MO ANG
My Forever Rival
Teen FictionHindi ko inakala... Na yung unang taong nakilala ko sa kolehiyo... Ang unang best friend ko... At ang karibal ko sa klase... Ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. I'm Amihan Rosamie "Ami" Bugayong, and I have a little secret...I have a forever ri...