Rosamie's POV:
"Lalalala..."
Di kumpleto ang umaga ko kung hindi ako nagluluto...mabuti na lang at pinayagan ako na magdala ng pagkain at rekados sa dorm...atsaka pinayagan din akong magluto sa dorm na ito. Mmm! Napupuno ng masarap na amoy ang buong pantry! Hehehe!
"Wow! Ang sarap naman ng niluluto mo, Ate!" Lumapit sa akin ang kusinera ng pantry para tignan ang ginagawa ko. "Ano ba ang niluluto mo diyan?"
"Pinakbet po, Ate."
"Oh! Kaya pala! Hehehe! Pero umm...bakit naman isang buong kawali naman ang ginawa mo?"
"Oh! Ehehehe...kasi po heto na yung ulam ko buong maghapon eh." Napakamot na lang ang ulo ko sa dahilan ko. "May microwave naman sa room namin kaya ayos lang."
"Ate, nahihiya naman ako sa ginagawa mo. Alam mo, madami na yan...mga five days pa bago maubos." Ani ng kusinera. "Heto na lang...kunin mo yung part na diyan tapos ako na ang kukuha ng iba para mabenta na. Para naman makilala yang luto mo...at least dito sa dorm."
"Talaga po? Salamat, Ate! Hehehe!"
Agad kong kinuha ang aking lalagyan atsaka nilgayan ng pinakbet saka ko iniwan ang natitira sa napakabait na kusinera.
By the way, nakaka-tatlong araw na ko simula na akong pumasok sa university na ito. Thankfully, I'm starting to memorize the places where my classes will be held...not to mention na I've met new friends sa dorm.
Today, magsisimula na ang recitation sa World Geography. If anybody deserves more popsicle sticks than everybody else in this class...it should be me! I know every single country on the globe, not to mention all capital and largest cities! Ang sinumang papatol sa akin, sasapakin ko!
"Good day class. Let's start our discussion on world geography. Our objective for today is to learn the basics of geography, including its tools...as well as the basics about the seven continents. For every correct answer is equivalent to one popsicle stick."
At nagsimula nang magtanong ang prof...
"In geography, there are items that are important for travellers to be able to reach their destinations. Give at least one of them..."
Agad kong itinaas ang kamay ko. Syempre alam ko yan!
"Yes, Ms. Bugayong..."
"Sir, travellers need compass and maps so that they could reach their destination."
"That will be correct, Ms. Bugayong." Sabay bigay ng popsicle stick sa akin. Yaaay! Mayroon na kong popsicle stick! Hehehe!"
Nagtuloy-tuloy na nga yung discussion tungkol sa aking sagot...which is the importance of the compass and maps. Sus, di ko na kailangang isa-isahin yan! Sobrang basic yan.
And then the professor open another opportunity for me to get more sticks:
"And speaking of explorers using compasses there are two explorers who make great discoveries during the 15th and 16th centuries. Please tell one of them and his contributions..."
Yes! Heto na! Popsicle stick number 2, here I go-huh?
"Yes, Mr. Cristobal."
"First is Fernando Magallanes, popularly known as Ferdinand Magellan. He and his crew proved that the earth is round bt making the first expedition that circumnavigate the whole earth."
"Correct, Mr. Cristobal. Here's your stick."
Hmm! Carlo, matapos mo ako ilate sa student orientation, lalamangan mo naman ako sa recitation? That's not fair!
BINABASA MO ANG
My Forever Rival
Fiksi RemajaHindi ko inakala... Na yung unang taong nakilala ko sa kolehiyo... Ang unang best friend ko... At ang karibal ko sa klase... Ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. I'm Amihan Rosamie "Ami" Bugayong, and I have a little secret...I have a forever ri...