Rosamie's POV:
"Uy! Kailangan mong magpahinga!"
"Ehehehe...kaya ko pa ito...kailangan kong pumasok...baka mawala ang perfect...attendance...ko..."
I'm not stupid...
Kaya nanghihina ang katawan ko, my heart and my mind pushes me to go to class, pero palagi akong natutumba.
"Sige na, Ami. You really need some rest. Gagawa ako ng paraan para maexcuse ka sa class today."
Alright, inaamin ko. It's my fault na nagka-lagnat ako ngayon. Kahapon kasi, nakalimutan ko ang payong ko sa dorm kaya tumakbo ako from the Liberal Arts building back to my dorm...without any shelter from the rain. That's the distance of three basketball courts.
And now, Carlo wanted me to rest for awhile...
"Ami naman eh. Of course, nagaalala ako sa iyo. Ikaw naman kasi eh, dapat iniingatan mo sarili mo. Alright, kung hindi ka mapakali. Heto, once I've finished my class, didiretso ako dito para makita mo kung anong ginawa namin and our assignments. Kung gusto mo ay dito muna ako mamayang gabi. I'll tell my parents and the guard on duty to let me stay. Happy now?"
"Sigh...ikaw talaga. You really sacrificed your time para sa akin." Then I smiled at him. "Fine, magpapahinga ako and I won't do anything stupid, promise."
"That's great!" He smiles back. "Don't worry, ha? Kapag bumalik ako dito, may dala rin akong pasalubong. Take care!"
Lumabas na si Carlo sa dorm room ko. Nagiisa lang ako dito sa loob, as my other dormmates are out to take classe-Achoo!!!
Sigh...heto na nga ba sinasabi ko! May lagnat na nga ako, may sipon pa! Ugh! I can't make even some simple chores by myself! Sigh...aasa na lang ako kay Carlo kapag bumalik na siya.
I lie down back into my bed...and stared in the ceiling for...umm...I don't know, mga ten minutes or so.
Kailan ba ako huling nagkasakit? Hmm...well, when I was in elementary. Yung nagkaroon ako ng trangkaso...ugh! Ang init-init ng pakiramdam ko noon na akala ko ay mamamatay na ako! Alalang-alala ang mga magulang ko noon na dinala pa ako sa ospital para ipagamot.
Ever since then, I make sure na inaalaga ko sarili ko. Kaya ako nagsimulang magtuto ng basketball, athletics and stuff. I thought hindi na ako tatablan ng sakit...I was wrong.
I was thinking too much na hindi ko namalayan na nakatulog na ako. And when I woke up, I just saw somebody beside my bed...staring at me...
"WHAAAA!!!"
Nakakagulat kaya yung may tumititig sa iyo! Then I noticed na si Carlo pala yung nakakatitig sa akin!
"CARLO! MANYAK KA!!!" In a outburst of emotion, I became angry at him.
"Ha?!?! Hi-hindi ko naman sinadya eh!" Todo palusot ngayon si Carlo at tumatanggi pa.
"Hmph! Ewan ko sa iyo!"
Tumalikod na lang ako sa kanya sa sobrang galit. Nanaig ang katahimikan sa loob ng aking dorm room ng ilang segundo...hanggang...
"Uy! Sorry na, Ami. I swear, hindi ko sinasadya na mapatitig sa iyo eh. Patawarin mo na sana ako."
Pagkatapos, may nakita akong kamay at nagaalok ng isang piraso ng cheeseburger sa akin. Agad-agad kong inagaw ito mula sa kanya at kinain ito na tulad ng isang hamster. Hehehe! Aba, syempre! Nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya.
"Hmph! Is that everything that you got?" Hamon ko sa kanya.
"Ami naman eh. Hindi ka gagaling niyan kung magagalit ka pa sa akin." Sabi ni Carlo. "Wala na akong klase after this, kaya I'll do everything na gusto mo gawin, just please...huwag ka nang magalit sa akin, please?"
BINABASA MO ANG
My Forever Rival
Teen FictionHindi ko inakala... Na yung unang taong nakilala ko sa kolehiyo... Ang unang best friend ko... At ang karibal ko sa klase... Ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. I'm Amihan Rosamie "Ami" Bugayong, and I have a little secret...I have a forever ri...