Rosamie's POV:
Dumating na kami sa bahay nina Carlo. Umm...kinakabahan ako sa mga parents niya!
After spending a week celebrating Christmas sa probinsya ko, it's Carlo's turn to introduce me to his parents and to celebrate with them the New Year...
Despite everything said and done, di pa rin ako makapalagay...ano kaya ang sasabihin ng mga magulang ni Carlo sa akin. Di ko pa rin maalis yung paggamba ko...mayaman kasi sina Carlo kaya...
"Huy, Ami. Bakit ka nagsasalita ng magisa?" Napansin na ako ng boyfriend ko.
"Ay! Ehehehe! Sorry!"
"Huwag kang magalala, Ami. Trust me, matutuwa sina Mom and Dad sa iyo."
Ngumiti si Carlo sa akin habang pinindot niya ang doorbell ng kanyang malakimg bahay...within a few seconds, may narinig mula sa speaker sa taas ng doorbell...
"Sandali lang! Hehehe!"
Mula sa loob ay mayroon akong narinig na mga footsteps heading right into the gate...and when the gate opens, I saw a beautiful young lady smiling at us...
"Hello! Hehehe! Pasok kayo!" Bati ng babae sa amin.
Pagpasok namin sa bahay ni Carlo, di ko mapagilan ang aking sarili na mapamangha sa mga nakikita ko...malawak ang kanilang hardin, ang pathway na dinadaanan namin ay namumukadkad ng bulaklak sa gilid nito, mayroon pa nga silang artificial lake...at sa harapan ng pathway, bubungad ang napakalaking bahay, many times larger than our simple humble home back in the provi-whaaa!!!
"Bark! Bark! Bark!" Hindi ko na lang namalayan na mayroong silang malaki at nakakatakot na aso malapit sa entrada ng bahay nila.
"Eeeep!!!" Kaya naman, nagtago na ako si likod ni Carlo.
"Hehehe! Don't worry. Hindi ka naman kakagatin, sis." Ngumiti sa akin ang babae. "Ganyan lang talaga siya kapag may nakikita siyang bagong bisita. Kapag tumagal ka dito, masasanay na siya sa iyo."
Pagpasok sa kanyang bahay, bumungad ang isang malaki at malambot na sopa na tumitingkad tapos sa likod ay isang fountain...lumibot ang aking mga mata...parang lobby siya kasi mayroong dalawang daan doon...may mga pintuan, samu't saring accessories at vases at mga nakasabit na mga malalaking painting at pictures.
"Hehehe! So you are the my son's girlfriend, Ami Bugayong?" Tanong ng babae...na I now presumed to be Carlo's young mother.
"Yes po. My full name is Amihan Rosamie Bugayong. Nice to meet you po."
"Same as me. I'm Carlo Louis' mother, you can call me Ate Alice."
Ngumiti ako sa kanya tapos nagmano ako sa kanyang kamay...kaya naman medyo namangha si Ate Alice sa akin.
"My! Such a nice girl! No wonder why Carlo fall in love with you." She smiled back at me. "Alright, let me guide you to your room, okie?"
And so we walked on the pathway sa kaliwa ng lobby...napatingin ako sa mga pintura at litrato na nakasabit sa pader. From the looks of it...hindi lang matagal-tagal na ang pamilya ni Carlo...but also it's a mixed ancestry...probably Irish and Spanish.
"Here we are!"
Ate Alice opened the door of my room throughout my stay here...and I still can't stop myself from being amazed. Kasi ang kwarto ko is like a room in a five-star hotel! Wheee!!!
"Please make yourself at home, okie?" Kumindat si Ate Alice sa akin. "For the meanwhile, Carlo and I will leave you for a moment para ipaghanda ka namin ng makakain, okie?"
BINABASA MO ANG
My Forever Rival
Teen FictionHindi ko inakala... Na yung unang taong nakilala ko sa kolehiyo... Ang unang best friend ko... At ang karibal ko sa klase... Ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. I'm Amihan Rosamie "Ami" Bugayong, and I have a little secret...I have a forever ri...