Rosamie's POV:
"Hnnng..."
Napagising na naman ako ng maaga ngayon...
Habang tulog ang lahat ay lumabas ako ng aking dorm at nagpahangin...
Inaalala ko pa rin ang sinabi ko kay Carlo noong cosplay competition...
"Carlo, love na love na kita..."
Napangiti ako ng bigla...hindi ko pinagsisisihan na sinabi ko sa kanya iyon...
Marami na akong utang na loob sa kanya...and those words is enough to pay those debts.
Anyway, ngayong araw pala kami magfifieldtrip. Sa part of one of our major subjects, we will go to some random financial institutions para mayroon kaming matutunan na magagamit naman sa aming pagaaral. And now as a second year college student, expected na dapat lumaki bilang mature na estudyante...so there's no amusement parks to be visited bago kami umuwi...diretso na sa campus.
And since ako'y nakatira sa dorm...huehehe
...ako yung pinakaunang makarating sa harapan ng Liberal Arts building, kung saan doon kami sasakay ng bus.Then, sumunod na dumating si Carlo, na malapit lang ang bahay nila sa campus. Ehehehe...sa itsura kong ito...ponytail na ayos ng buhok...hindi nakaglasses at nakacontact lens...atsaka yung PE uniform and sneakers...ehehehe...magugustuhan na naman ako ng love kong si Carlo.
"Good morning, Ami!" Masaya akong binati ng boyfriend ko. "Ang aga mo namang dumating."
"Syempre naman! Ano pa ba gagawin ko dito sa school? Lalabas nga tayong lahat eh."
Napahaba na naman ang kwentuhan namin habang hinihintay namin ang iba naming friends. Well, there are so many random topics ang napagusapan namin...like yung mga assignments namin sa klase...to our organization activities sa simbahan atsaka sa pop culture club...to our unforgettable experience doon sa cosplay competition.
"Huy!"
"Whaaa!!!" Sobrang lalim ng kwentuhan namin na noong tinapik lang ako sa balikat ni Clarisse, napasigaw ako sa sobrang gulat. Napatawa tuloy si Clarisse sa akin. Sobrang nakakahiya! Huhuhu!
"Grabe ka namang makasigaw, Ami! Hehehe!" Sambit pa sa akin ni Clarisse.
"Uy! Kamusta ka naman, Ami?" Tanong ng kasama niyang si Iya. "Balita ko nga ay nagdadating na kayo, ah!"
"Ehehehe...I won't deny it, bes." Ngumiti lang ako sa kanya. "I owe him a lot that's why I fall in love na ako sa kanya."
"Ikaw naman, Carlo. Siguraduhin mo na huwag mong sasaktan ang bes namin, ha?" Then Iya gives a warning. "Kapag nalaman namin na pinaiyak mo siya, naku! Lagot ka sa aming dalawa!"
"Hehehe! Sure, sure." Napakamot na lang si Carlo sa ulo habang tinatawanan ko.
It's already sunrise nang makasakay kami sa bus. As compared with fieldtrips noong elementary and high school, wala na tour guides dito. Ha! We can learn and explore on our own, you know?
Sigh...alam na ng buong klase na magkasingtahan na kami ni Carlo...kaya sinadya kaming pinagtabi sa bandang dulo ng bus. Wala naman kaming choice but to go with the flow.
"Alam mo...sa ganitong mga byahe, naaalala ko yung probinsiya ko." Kuwento ko kay Carlo. "Sa hinaba-haba kasi ng byahe ko pagbalik ng campus, marami talaga akong nadadaanan. Siguro, pakagraduate ko sa kolehiyo three years from now, magtatravel muna ako sa mga magagandang lugar."
"Kung ganon...born traveller ka pala." Komento ni Carlo sa akin. "If you really want to travel, dapat ipon ka ng maraming pera, bili ka ng maraming ticket...then travel the whole world. Sana ikaw ang most travelled woman in the world in the future."
BINABASA MO ANG
My Forever Rival
Novela JuvenilHindi ko inakala... Na yung unang taong nakilala ko sa kolehiyo... Ang unang best friend ko... At ang karibal ko sa klase... Ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. I'm Amihan Rosamie "Ami" Bugayong, and I have a little secret...I have a forever ri...