Lost and Found

40 3 0
                                    

Four years ago...

Rosamie's POV:

Waaaah!!!! I didn't expect everything!

First of all, I didn't expect na nakakapasok ako sa isang prestiyosong university tulad nito. Napalayo pa ako ng Aurora para makapunta dito sa Dasmariñas! Nakapasok lang ako dahil may pinsan akong nakatira malapit dito at nirefer ako sa scholarship office...and of course, naging scholar ako. To tell you frankly, I'm a valedictorian back in high school doon sa Casiguran, Aurora and top every single subject...except Math. Mahina talaga ako sa Math!

And second, I didn't expect na napakalaki ng university na ito! Ang inaashan ko dito ay dalawang building lang tulad noong high school pa ako...pero this is more than that! In fact, kasinglaki na siya ng dalawang barangay sa amin!

"Umm...alam niyo po ba kung saan itong building na ito?"

Ayan lang palagi kong sambit sa aking bibig, tinuturo ko sa mapa ang destinasyon ko pero hindi nila alam kung nasaan. Kung alam naman nila, tinuturo naman ako sa maling daan.

"Huff...huff..."

Dumating sa punto na napagod na ako... hinihingal na ako...at mas malala, naliligaw na ako. Maliban pa doon, limang minuto na lang bago magsimula ang orientation! Whaaa! Naku! Pag nangyari yun, baka umulit na naman ako ng first year! Super required kasi yung orientation na yun eh! Huhuhu!

"Ate, bakit kayo umiiyak?"

And from out of nowhere, may isang lalaki na kumalabit mula sa aking likod at napansin ang aking pagluha. Whaaa!!! Nakakahiya! Namumula na tuloy ako!

"Uy! Ate, ayos ka lang ba?" Pero nagalala si Kuya dahil doon. "Kung medyo masama ang pakiramdam mo, pwede kitang dalhin sa clinic."

"Ay! Hehehe! Pagpasensyahan niyo po ako. Medyo naliligaw lang po ako." Pinunas ko ang tumutulo ko pang luha atsaka nagtanong. "Gusto ko lang po kasing malaman kung nasaan yung venue para sa orientation. Baka magsimula na sila kahit wala ako."

"Teka, yung student orientation ba tinatanong mo? Malapit ka na doon!" Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Diretso ka lang doon, makakarating ka na."

"Yes! Thank you, Kuya!"

At walang pakundanan akong tumakbo papunta sa aking destinasyon.

Certain boy's POV:

Mabilis tumakbo ang babae papunta sa auditorium kung saan nandoon magaganap ang orientation. Sa tingin ko, napakasipag ni Ate.

By the way, I know every building in this large campus. If Ate has just begun studying in this university, I have been here for four years...but not in the way that you think.

You see, ang original course ko ay Political Science but I found very difficult. In fact, I've almost flunked third year...kaya nagdecide ako na magstudy ako for Development Studies. Madaling aralin at may choices ako pagkagraduate.

Anyway, di ko na kailangang magattend ng orientation. Instead, I'll go to my first subject...world geography. Dahil natapos ko na ang ilan sa mga minor subjects na kailangan, medyo konti na lang ang kukunin ko this sem...and that means I have more freeloader time! Hehehe!

"Good day, class."

Di ko na lang namalayan na mayroon nang professor sa harapan ng classroom.

"Today is the first day of our class for World Geography. I will check your attendance through my class list to make sure everybody's here."

And of course, we've been called in alphabetical order. Ako ay nasa bandang simula ng listahan kaya pag nagabsent o malate ako ng pasok, sigurado mapapansin ako ng professor ko.

My Forever RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon