Carlo's POV:
"Nakatulog ka ba, Carlo?"
Yan ang pambungad na tanong ni Ami sa akin.
"Yup. Thanks sa pagtatanong." Ngumiti ako sa kanya sabay bangon sa aking higaan. "Though kanina, medyo malamig ang hangin dito."
Maaga pa lang pero nakabangon na sina Ami at ang mga magulang niya. Unang araw ko dito sa Aurora, ang probinsiya ng girlfriend ko, at sasabayan ko sila sa kanilang ginagawa.
"Nak, sama ka sa amin. Layag tayo."
Bago sumikat ang araw ay mamamangka na si Ami at kanyang tatay niya. Gusto kong sumama sa kanya, di ba sabi ko kay Ami noon...gagawin ko lahat ng pinagagawa niya sa akin dahil natalo ako sa kanya noong first sem. Pero...umm...nakakahiya sabihin ko ito ng malakas pero...
"Umm...Ami." Kaya kinalabit ko muna si Ami para lumapit sa akin.
"Huh? Ano iyon?"
"Umm...ayoko ko tong sabihin sa iyo but...di ako sanay sa dagat."
Tumawa siya ng konti, much to my embarrassed face.
"Huy! Huwag mong sasabihin, ha?"
"Hehehe! Of course, not! I've been in that situation, remember?" Sabay kindat sa akin. "Heto, kukuha ako ng paper bag. Mayroon akong isa doon sa baba tapos ibibigay ko sa iyo ng palihim. Pag naramdaman mo na mahihilo ka na, tumalikod ka na lang, okay?"
Magkahawak-kamay kami habang papunta sa bangka ni tatay. As the daughter of a fisherman, pinauna ko muna siyang sumakay para maging alalay kapag ako naman ang sumakay. As everything seems settled, binuksan na ni tatay ang makina ng bangka...and went in our way.
Slowly, lumiit ang dalampasigan na aking tinitignan. In a few moments, I realized that we are now surrounded by nothing but crystal blue water...and that's when dizziness sets in. Ugh!
"Ang ganda na dagat oh! Dapat tignan mo ito, Car-woah!" Napansin na ni Ami ang pagkahilo ko. "Carlo! Ka-kaya mo pa bang pigilin?"
Puno na ang aking bibig ng "refuse" pero, for Ami's sake, tumango ako. Tinuro ko na lang ang hawak kong paper bag.
Sinubukan kong tignan ang karagatan. Tanda ko pa yung sinabi ni Ami sa akin noong first sem...na kapag nakikita niya yung coral reef atsaka magagandang isda na lumalangoy sa dagat, mawawala ang kanyang takot sa tubig.
Rosamie's POV:
I'm supposed to be happy, na lumalayag na ulit ako sa malawak na karagatan just like noong bata pa lang ako...
Pero nagaalala ako kay Carlo. Hindi kinaya ng sikmura niya ang byahe namin sa dagat...nagaalala pa rin ako kahit sinabi niya na magiging okay lang siya.
Tumigil na kami sa gitna ng dagat...where may nakita kaming maraming isda. This is our opportunity para makahuli ng marami at mayroong pagkakitaan si tatay.
Sa unang bato ng net...medyo konti lang ang nahuling isda ni Tatay that's why kaya niyang buhatin na magisa.
Pero noong pangalawa...pangatlo...pangapat na bato...pakonti ng pakonti yubg nahuhuli namin. Tumingin ako sa paligid namin at napansin na wala na palang isda. We are about to start the engine para makahanap ng lugar na mayroong maraming isda but...
"Ami...dito sa likod...mayroon."
Lumingon ako sa kanya...ugh! Mas lalong kaawa-awa na ngayon si Carlo! Halos mapigil na niya ang kanyang sarili sa pagsusuka.
However, he managed a groups of fish behind him. And despite his sickness, tinulungan niya kami ni Tatay na ibato ang net at eventually hilahin paakyat ng bangka.
BINABASA MO ANG
My Forever Rival
Teen FictionHindi ko inakala... Na yung unang taong nakilala ko sa kolehiyo... Ang unang best friend ko... At ang karibal ko sa klase... Ang siyang makakasama ko sa habangbuhay. I'm Amihan Rosamie "Ami" Bugayong, and I have a little secret...I have a forever ri...