Hanging Out

9 1 0
                                    

Carlo's POV:

"Heto ang challenge ko sa iyo. Kung talagang kilala mo na ako bilang girlfriend mo, kailangan makahanap ka mga bagay dito sa campus natin na makapagpapasaya sa akin. You should do that until the cosplay show natin kasi kung hindi, may mangyayaring masama sa iyo."

Naaalala ko pa yung hamon sa akin ni Ami para sa aming date ngayong araw. Kailangan kong ichat ang mga best friends niya para hindi ako malintikan ng girlfriend ko.

"Carlo! Carlo!" May tumapik sa aking balikat.

"Uy! Ano iyon, Andrew?"

"Hehehe! Magsisimula na tayong magkulekta  ng donation. Offertory na."

"Ay! Ehehehe! Alright."

Right after our performance sa aming opening parade, nagserve muna kami ni Ami sa opening mass sa University Chapel. Permanent na ang aking role as Collector / Usher. Naging pamilyar na rin ako sa tamang trato sa mga nagsisimba lalo na kapag hinahatid sila sa kanilang mga upuan.

Though minsan, in between of my work, palagi akong nakatitig sa altar, dahil pinapanood ko si Ami. Her seriousness...her solemnity...and her commitment bilang altar server ang patuloy na nakakapaginspire sa akin to do my best as well...

Pagkatapos ng opening mass...

"Carlo! Alam mo na ba ang mga gusto kong puntahan? Hehehe!" Ami taunts me and giggled.

Napalunok na lang ako sa kanya. I tried to cheat by chatting her best friends para malaman ang sikreto niya, pero noong sinabi sa akin na nagdadate kami, they always say that I should find it by myself.

"Hehehe! Wala kang ideya, no?" Kumindat siya sa akin habang papalabas na kami ng chapel. "Alright, tutulungan kita, sort of. Bibigyan kita ng riddle to make it easier for you."

Tumango naman ako. To make my girlfriend happy, kailangan kong malaman ang mga favorites niya."

And then dinemonstrate niya yung clue sa first favorite niya. She curls her left hand like mayroon siyang hinahawakan...and then she gestures her other hand na parang may hinahalo.

And from that point, that already gives me an idea of what she wants, kaya naman hinila ko siya...

"Sus naman!  Ang dali-dali naman niyan!" Sabi ko sa kanya habang nakangiti si Ami sa akin.

Ang tamang sagot...ang unang paborito ni Ami ay halo-halo.

"Mabuti at alam mo. Hehehe!" Komento ni Ani pagkatapos maibigay sa akin. "Mmm! Ang tamis-tamis talaga nito!"

Tinitignan ko si Ami habang nageenjoy siya sa kinakain niyang halo-halo. Napapansin ko na medyo bumalik siya sa pagkabata niya...emote kaya siya ng emote sa bawat subo.

Pero noong tumingin siya sa akin, she gave me an evil grin sabay kuha ng halo-halo ko! Whaaa! Ang bilis kaya niya ninakaw!

"Huy! Ibalik mo na sa akin iyan!" Nagmaktol na tuloy ako ng parang bata.

"Huehehe! Subo muna ako ng isa mula sa iyo, ha?"

Gusto ko mang magreklamo hindi ko magawa, hindi ko kaya kasing magalit si Ami sa akin. Ang ganda-ganda nga ng mood niya ngayon tapos sisirain ko pa dahil lang sa halo-halo.

"Alright, here you go." Binalik na niya sa wakas ang halo-halo ko. "While you munched that down, let me give you the clue for my next favorite."

She puts down her halo-halo and then gestures again. This time, she makes her hands swing like waves. Waves...waves...aha!

"Oh! So gusto mong magswimming?"

"Pffft...hehehe!" Napatawa si Ami sa sagot ko. "Hindi, no? Let me clarify my clues..."

My Forever RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon