Cheska👆👆👆👆
Cheska's Pov
"Ok. You're hired." Dinig kong sabi ng nag board na nag interview sakin.
Masaya naman ako pero di ko pinahalata. Dapat may manners pa rin naman ako. At di naman yata tama na mag tatalon ako dito.
Nag pasalamat ako sa kanila at agad na umalis pag katapos nilang ibigay ang sched ko.
I'm already an independent. A Business Ad. At masaya ako dun.
Pag katapos ng pag be-break namin ni kael. Di nako nag boyfriend. Kasi alam ko na wala din naman akong mararating. At alam ko naman na may dadating din.
I know naman na nakarami nako ng bf. At di ko ikakaila yun. Pero kasi sila ang nakikipag break. At di ko naman tututulan yun. Kasi di ko naman hawak ang desisyon nya.
But anyway, masaya nako sa ngayon. At nakahanap nako ng trabaho katapos kong mag graduate. I'm not expecting too much. Alam ko naman na maliit pa ang sweldo ko kasi una ko palang to. Not literally na una kasi nag ojt din kami non.
Kaya gagalingan ko nalang sa trabaho ko. Wala munang kesyo lalaki na yan.
Habang nag lalakad ako, nakita ko ang ex ko. Si kael. May kasamang babae at may hawak na baby?
Ano to? May anak na sila? Ang bilis naman yata?
Nakita ko kung gaano sya kasaya kasama ang anak nya siguro at ang babae. Eto na ba ang pinag palit nya sakin? Ok? Di ko naman na masasabing lamang ako kasi di ako ganon.
Napansin nya siguro na may nakatingin sa kanya kaya napatingin sya sakin. Mukhang nagulat sya nang makita ako. Nakita kong may binulong sya sa babae at tsaka nya ko nilapitan ng makaalis ang babae.
"Congrats? May asawa kana pala?" Tanong ko. Di ako sigurado kung asawa nga nya.
"Salamat. Oo nag asawa nako. Nung pagkabreak ko sayo." Sabi nya. Ok? What do i expect? Wait? Pag kabreak? So matagal na din sila?
"An---" di ko pa man natatapos ang sinasabi ko ng sumabat sya.
"Sorry. Kung nakipag break ako. Kung ako lang sana di kita ibebreak. Alam mong gusto talaga kita mula umpisa palang. Pero kasi ches? Lalaki ako, may pangangailangan din ako na di mo mabigay. Kaya nag hanap ako sa iba. At yun. Nabuntis ko sya. Sorry. Kung ako lamg masusunod. Gusto ko makasama ka." Sabi nya. I mean paliwanag nya.
Di ko alam kung maawa ako o ano. Pero di yun sapat na dahilan para mag hanap sya ng iba. Ganon ba yun kadali para sakanya? Di ba sya makatiis?
"Sge. Naiintindihan ko. Pero wala na tayong magagawa. Mahalin mo yung babae. Yun nalang ang gawin mong bayad sa pag break mo sakin." Kahit na alam kong wala akong karapatan na utusan sya sana lang naman.
"Oo. Makakaasa ka. At pag kailangan mo ng tulong, wag kang mahihiyang lumapit sakin ah. Sge. Alis nako. Hinihintay nako ng mag ina ko. Mag iingat ka ches." Sabi nya sabay alis. Pero nag paalam naman ako sa kanya.
I guess this is a closure. Ok na siguro na may paliwanag na sa ngayon, kesa naman sa nag iisip ako ng dahilan kung bakit sya nakipag break.
Hindi ko din lubos maisip na ganon na pala ang ginagawa nya. Siguro dahil sa lalaki nga talaga sya kaya di na nya mapigilan. At nag hanap ng iba. Kahit mali, pero i feel proud kasi natiis nya na di mag sabi sakin kasi may respeto sya sakin. Pero masakit kasi kailangan na gawin pa sa ibang babae. Pero wala naman akong pinag sisisihan. Kasi kung ibibigay ko man sa kanya edi sana wala akong trabaho ngayon at ako yung babae na kasama nya na may bitbit pang bata. Ayoko naman ng ganon.
Di naman sa ayaw ko ng bata o baby. Ayaw ko lang na makasama ang lalaki na di ka talaga gusto. Pero para sa kanila. Magiging masaya nalang ako. Kasi may anak sila at yun nalang ang iisip ko.
Mas okay na din to. At least, may trabaho akong maganda. Alam ko naman na may business ang family ni kael kaya kaya na nya yun.
And i'm happy for them. Di man ngayon gusto ni kael ang babae. Pero alam ko darating din sila dun.
Kailan kaya ako makakahanap ng lalaki na mag mamahal sakin at di nako iiwan ulit?
Hay. Nag de-daydream na naman ako. Alam ko naman na wala eh. Makaalis na nga.
Its 2:34 pm. At nasa kalsada ako, mag lalakad. Wala kasing masyadong jeep na dumadaan. Kung meron man, puno na. At di ako pwedeng mag taxi kasi mahal. Di din pwede mg bus kasi di naman dadaan sa apartment ko. Ang hirap naman ng ganitong buhay oh.
Habang nag lalakad ako. Nagulat nalang ako ng may mag hablot ng bag ko. Sa gulat ko napatanga nalang ako pero narealize ko na...
Nanakawan nako.
Yung gamit ko!!!
Agad kong hinabol yung lalaki kahit mabilis at naka heels ako. Sanay naman ako eh.
"Harangan nyo yan! Ninakawan ako nyan!" Sigaw ko sa mga tao pero di man ako tinulungan. Nakatingin lang sila. Yung iba nag vi-video pa.
So akala nila shooting to? Bakit di nalang nila ako tulungan!?
Napansin kong paliko at patawid ang lalaking snatcher kaya sumunod ako.
Sa bilis ng pang yayari nakita ko nalang yung snatcher na naka dapa sa gitna ng kalsada na nakahawak sa panga nya.
Napatingin ako sa gumawa non.
At mas lalo akong nagulat sa nakita ko.
Paanong sya? Kaya nya? Pero sa lahat ng tao na tutulong sakin eh sya pa talaga? Mas may puso pa sya kesa sa mga tao dito?
Nakaramdam ako ng saya kasi di ko maisip na kahit ganitong tao lang eh tinulungan ako. Di tulad nung mga nag video.
Nakita kong kinuha nya ang bag ko at lumakad palapit sakin.
"Oh eto miss. Sa susunod mag ingat kana." Sabi nya at tumalikod na para umalis.
Agad naman akong naawa kasi tinulungan nya ko tapos wala man lang bang kapalit? Syempre di ako ganon.
"Ahm sandali. Salamat. Sya nga pala. Ako si cheska. Hmm. Gusto ko sanang i-treat ka dahil sa pag tulong sakin. Kung ok lang sayo?" Nahihiyang tanong ko. First time kong gawin to. At di klaseng tao ang tinanong ko.
"Miss, ok lang kahit di ka mag bayad o mag sukli sa ginawa ko. Basta tapos nako dun hayaan mo na yun. Sge na. Alis nako." Sabi nya ulit pero pinigilan ko ang braso nya.
Nakakahiyan man pero dapat ko din syang bayaran sa kabutihan nya.
"Pls? Ako ng nakikiusap. Sge. Ganito nalang. I-te-treat kita di dahil sa niligtas moko. Ite-treat kita kasi gusto kong makipag kilala. Ok ba yun?" Tanong ko.
Bigla naman syang natawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba dun?
"Miss? Nahablutan ka lang mawala na utak mo? Miss? Pulubi ako. Tapos makikipag kilala ka sakin? Alam ko kasi yung mga babae sa mayayaman at gwapo lang lumalapit." Sabi nya. Abat! Bastos to ah. Chill lang che, sya ang tumulong sayo.
"Di naman lahat ganon no. Sge na. Pumayag kana oh. Pls?" Pakiusap ko. Pag di pa pumayag to masasapak ko na to. Pero syempre joke lang yun.
"Sge na nga. Ikaw bahala. Tara na." Sabi nya at nag patiuna. Sumunod naman ako agad.
Di ko akalain na pulubi pa ang tutulong sakin. Pero kung titingin sa physical appearance nya, parang di man sya pulubi. Pero pag mukha at pananamit ay mahahalata mong pulubi kasi madumi ang damit at madungis pa.
Pero alam ko naman na mabait sya. At nag papasalamat ako dun.
-XM
BINABASA MO ANG
Beauty In Between (COMPLETE)
Short Story"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-vi...