Third Person Pov
Sa isang board room, ay nag kakagulo ang mga tao sa loob. Mga board members at CEO to be exact. Di nila alam kung bakit pabawas ng pabawas ang income nila eh mataas naman lagi ang kita nila. At halos nangunguna sila sa cruise ship, malls, villa, and luxurious cars. But the sales of these are decreasing, on and on. And they are all frustrated on what's happening.
"May nag nanakaw ba ng sales ng kumpanya?" Galit na sigaw ni Jaze. Dahil di nya maintindihan ang nangyayari. His attention is always in the company and Cheska. But, he can't figure out why the company has this big problem.
"S-sir. Wala po. W-why would we d-do that? Edi kabawasan sa kita din namin yun." Sabi nang isang shareholader.
Kaya halos di na nya alam ang gagawin. May punto ito. Kung nanakawin nila eh kabawasan na din sa kita nila yun. Pag kasi kinuha nila ay konti lang makukuha nila. Di tulad nang pag ininvest mo, ay double o triple ang kita ko depende sa kumpanya na ininvest-an mo. Tinawagan na nya ang mga finance and sales department para mag report. Kahit naman natatakot ay nag report pa din ang mga ito. At lahat ng nireport nila ay di kasiya-siya sa kanya at sa mga board members.
"I just want to talk to my borad members first, rest of you, leave this room." Sabi nya pero pinaiwan ang mga report na nag lalaman ng mga detalye sa sales o income ng kumpanya nya.
"Anong nangyayari? Pinag katiwalaan ka namin kasi matalino ka pag dating sa business. Tinulungan ka namin para makuha ang kumpanya na ito kay blake kasi sabi mo mati-triple mo income namin. Pero anong nangyayari? Malulugi pa yata kami." Sabi ng isang shareholder. Kaya marami ang mga nag si tanong at di nya alam ang masagot. Yung iba naman ay halos mag ayaw na sa position nila at parte ng pera.
"Enough! Kung makapag salita kayo parang wala kayong nakuha nung mga nakaraang 5 years! Wag kayong umasta na parang kayo ang may gawa ng lahat! Well in fact ay wala naman talaga kayong ginawa!" Sigaw nya kaya tumigil ang mga tao sa loob ng room.
"So what do you what to do, to take the loss money back?" Tanong ng investor.
"Let me think of a solutions first. Well for now. Dismiss this meeting. Let's talk tomorrow at 3." Sabi nya at lumabas ng board room. At dumeretso sa opisina nya.
Mula sa opisina nya tanaw nya ang isang opisina sa kabilang building. Building ito ng mga montero. Mas mataas sa building na kinalalagyan nya. Nakita nya si Blake Montero na busy sa tinitignan sa table nito. Masyadong mataas ang kunaroroon ng lugar nito kaya nakakasilaw. Lumayo sya ng kaunti. At nag isip nang pwede nyang gawin para sa kumpanya.
Nakita nyang umilaw ang cellphone nya at napansin na may nag text. Isa sa mga babae nya. Agad nya itong binura. At agad na nakita ang wallpaper nito. Si Cheska. Napatingin ulit ito sa opisina na kinalalagyan ni Blake.
Mylene's Pov
Nasa table ako, para gawin yung report namin. Pinaulit kasi samin ni Sir. Jaze ang report para daw masigurado na tama daw lahat ng irereport namin. At kahit naman bigay namin pati orginal entries ay talagang net loss lang makukuha mo. Di ba nya maintindihan yun?
"Mylene!? Si Sir. Jaze sinugod ang kabilang kumpanya! Nag susuntukan sila anong gagawin natin!?" Sabi ng isang katrabaho ko kaya agad akong napatayo at pumunta sa may bintana para makita ang nangyayari. Nag susuntukan nga sila! At makikita mo talaga na gulo gulo ang buong opisina.
"Kaninong kumpanya iyon?" Tanong ko sa mga kasama ko.
"Mga montero sa pag kakaalam ko." Sabi ng isa. Kaya agad kong kinuha ang phone ko para itawag kay Cheska. Kasi baka sya lang ang makakapag patigil don. Kasi si jaze naman nag umpisa.
"Hello?" Sabi sa kabilang linya.
"Chesk! Punta ka dito ngayon na! Si jaze. Nakikipag suntukan sa kabilang kumpanya eh." Nag aalalang sabi ko.
"Then? Anong gagawin ko?" Bagot na sabi nya.
"Wala ka bang gagawin?" Sabi ko sa kanya. Halos mag histerikal nako kasi di ko alam gagawin ko. Baka pakulong si Sir Jaze. Mawawalan kami ng trabaho. Ang hirap pa man din mag hanap ngayon.
"Wala. Ano bang kumpanya yung sinugod nya?" Sabi nya. Ano nga kasing kumpanya yung kabila?
"Ano ulit yung kabilang kumpanya?" Tanong ko sa katabi ko.
"Montero." Sabi nya.
"Montero!!?" Sigaw ni chesk kaya nalayo ko yung cellphone sa tenga ko.
"Oo nga Montero. Bakit ba?" Tanong ko. Bakit ba ang OA nya?
"Sigurado ka ba na Montero yan!? Papunta nako!" Aligagang sabi nya.
"Oo nga. Kaya---" di ko na natapos sasabihin ko ng nag bulungan ang mga kasama ko.
"Tumigil na sila."
"Bakit nakaluhod yung lalaki?"
"May kung ano sa sahig oh. Ano yun?"
Napatingin ako sa kabilang kumpanya. Oo nga. Tumigil na sila. Nakaluhod yung lalaki habang si Sir Jaze ay nakatayo. Di sila gumagalaw. At di din nag uusap. May kung ano silang tinitignan sa lapag. May kung anong bagay don pero di ko makita.
"Mylene! Ano na!?" Sabi ni cheska kaya nabalik ako sa wisyo.
"Tumigil na sila chesk. May kung ano sa lapag don sila nakatingin. Di ko makita kasi malayo. Daga yata yun eh." Takang sabi ko. Huminto sila sa pag susuntukan dahil sa daga?
"Daga? Bakit daga?" Tanong nya. Nakaring din ako ng sasakyan sa cellphone. Siguro naka sakay na sya.
"Ewan. Di ko alam. Baka nga laruan yun eh. Kasi parang ewan. May telescope ba kayo dyan?" Tanong ko sa mga kasama ko.
May nakita naman akong hawak ng isa sa mga kasama ko na magnifying glass. Kaya kinuha ko muna yung magnifying glass na hawak nya at ginamit. Para naman kahit papaano ay makita ko kung ano yung nasa baba.
"Ano sya, daga nga yata. May dugo eh." Sabi ko kay cheska.
"Huh? Daga? Paano mag kakadaga sa kumpanya nya eh alam nating lahat na maarte sa opisina si Mr. Blake Montero." Sabi ni chesk sakin.
"Ewan ko din eh. Pero may kulungan sa gilid. So baka alaga ni Mr. Montero to." Sabi ko. Pero ano ba yun?
"Alaga? Ohmygash! Ibon? Si orange? Ibon ba yan!? Sabihin mo!" Nag sisigaw na si chesk sa cellphone di ko naman masagot kasi di ko din alam.
"Oo ibon yata. Wait. Umalis na si Sir Jaze." Sabi ko.
"Sge. Pupuntahan ko si Blake. Bahala ka na dyan." Sabi nya sabay patay ng tawag. Bakit kung makapag salita yun alam nya lahat? Anong problema non?
Ano kayang namamagitan sa kanilang tatlo?
------------------------------
BINABASA MO ANG
Beauty In Between (COMPLETE)
Short Story"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-vi...