Chapter 14

208 6 0
                                    

Cheska's Pov



"Sir? May i take your order?" Tanong ng waiter samin. Nandito na kami ngayon sa italian restau na gusto nya. At di ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng umalis. Nag hihintay pa si benjie sakin.





"Shrimp Scampi with Pasta for me, and Shrimp Fra Diavolo for her. And Red wine and water for drinks. That's all." Sabi ni Jake. Di nako nag order kasi di naman yun ang pinunta ko dito. At di ko din alam bakit parang pinapatagal pa nya ang usapan na 'to? Akala ko ba about lang sa business 'to? Bakit ang dami pa nyang arte?




"Ahm Sir. It takes 1 hour to Serve that dish. Willing to wait? Or take another order?" Sabi ng waiter. Gulat na napatingin ako sa waiter kasi ano bang klaseng pag kain yun? Isang oras bago maluto? Eh hipon naman lahat ng inorder ah? Di naman mahirap iluto yun. Ang dami ding arte dito parang etong lalaking 'to. Daming arte.




"It's okay. I'll just add appetizer then." Sabi nya kaya agad na nag abot ang waiter ulit ng menu. Bakit ba ang tagal? Sinasadya ba nya na patagalin 'to?




"Two sets of Bruchetta, and two sets of Caprese Salad. That's all for now." Sabi nya. Yumuko ng konti ang waiter at agad na umalis para kunin ang order nya.



"Kung anong gusto mong sabihin, sabihin mo na. Baka nakakalimutan mo, nandito ako para sa business. Kaya tigilan mo na ang mga kaartehan mo sa buhay. Di ako pumapatol sa mga bakla." Naiinis na sabi ko. Pero parang wala man sa kanya lahat ng sinasabi ko.




"Sir, serving your appetizer." Sabi ng waiter at sinerve na yung mga appetizer na pinag sasabi nya kanina na di ko naman alam.




Umalis agad ang waiter katapos nyang mag serve. At nakatingin pa din ako kay Jake kung anong sasabihin nya sa mga sinabi ko. Kasi pag ako di nakapagtiis, itatapon ko 'tong pagkain na ito sa mukha nya.




"Kumain muna tayo. Tsaka natin pag-usapan yan." Sabi nya at inayos ang table napkin sa lap nya. Kaya padabog kong kinuha ang table napkin at nilagay din sa lap ko. At nag simula akong kumain.



Halos masuka ako sa lasa. O dahil ngayon lang ako nakakain nang ganitong pagkain.


Nang matapos ako ay agad ko syang hinarap. Umiinom sya ng wine. At di nya ko tinitignan. Napatingin ako sa relong nasa bisig ko. It's 6:27 pm. Kailangan makauwi ako ng 9 dahil may usapan kami ni benjie. Di ko naman sya pwedeng ma-text. Kasi wala naman cellphone si benjie. Bilhan ko kaya sya ng cellphone? Kahit yung mumurahin lang? Para naman pag ganito ang sitwasyon ay masabihan ko sya.





"Pwede na ba---" naputol ang sasabihin ko ng dumating ang waiter at sinerve ang main course. Akala ko ba after 1 hour? Pero mas okay na ito para di ako gabihin sa usapan namin ni benjie.




"Kumain na tayo." Sabi nya at kumain ulit. Kahit siguro ubusin namin lahat ng nasa menu ay di kami mabubusog kasi kakarampot lang ang pag kain ang laki naman ng plato. At ang mahal pa.





"Pwede na ba?" Sabi ko sa kanya kasi tapos na din naman kaming kumain.




"Oo sge. Anong sasabihin mo?" Tanong nya. At halos ibuhos ko na pati yelo ng sabihin nya yun. Akala ko ba pumunta kami dito para sa business? Bakit ako tatanungin nya?




"Wag mo sabihin sakin yan. Ikaw ang may kailangan kaya sabihin mo kung bakit? Para maiwan kita dito." Napipikon na sabi ko. Nakakainis kasi sya.





"Ah yun ba. Wala yun. Naisip ko na ako ng bahala dun." Preskong sabi nya. Gusto ko na sanang hambalusin ng upuan kaso naisip ko, iskandalo pa abot ko pag nag kataon.




"Okay. Sge. Salamat sa dinner." Sabi ko sabay kuha ng gamit ko at umalis. Di ako mag aaksaya ng oras para sa mga walang kwentang tao.



"WAIT! CHESK! WAIT!" Dinig kong sabi nya pero tumakbo nako para di nya ako mahabol. Baka kung ano-anong alibi ang sabihin nya para di ako maka-alis at di ako makapunta kay benjie. Pero bakit naman nya gagawin yun?





"Chesk?" Sabi nya at hinila ang braso ko.



"Bakit ba? Nag aksaya ako ng oras doon para sa wala, mahalaga ang oras sakin, kung para sayo wala lang kwenta pwes isipin mo naman yung akin! Di ka naman importante kaya bakit kita pag aaksayahan ng oras? Alam mo? Nag sasayang lang ako ng oras dito. Sa pag punta palang dito, sa pag kain, sa pag punta sa peste mong kumpanya aksaya na sa oras yun!" Sigaw ko sa kanya. At buti nalang walang masyadong tao sa lugar. Baka isipin nila mag syota kami na nag aaway.






"At ano? Sakin aksaya ng oras pero dun sa hampaslupang pulubi na yun hindi? Mas gugustuhin mo pa bang makasama yung pulubing yun kesa sa akin na halos na sakin na lahat! Tapos dun ka mapupunta?!" Sabi nya na nag pagulat sakin. Paano nya nakilala si benjie. Wala akong binabanggit kanino man tungkol kang benjie? Sa kanya pa kaya?






"P-paano mo n-nalaman yan? S-sinong nag sabi? Sinusundan mo ba ko?" Sabi kl sa kanya. At pag sinabi nyang oo ay matatakot nako. Sinong baliw na tao ang gagawa non?




"Hindi. Nakita lang kita nung isang araw." Pag iwas nya sa tanong ko. Pero alam ko na di yun totoo.




"Pwes wala akong paki. Oo mas gusto ko syang kasama. Eh ano naman? Porke gwapo at mayaman ka papatulan kita? Ayoko sa lahat ang sinungaling at babaero at yun ang ugali mo. Paki ko ba sa yaman mo kung marami naman akong kahati? Di ko pinangarap yun. Kaya bahala ka dyan kasi di ikaw ang kailangan ko. Kung ayaw mong i-process ang resignation letter ko, pwes ako lalakad non. Di nako papasok sa busit mong kumpanya. Di ako mag tya-tyaga para makasama ka." Sabi ko at agad na pinara ang bus na nakita ko. Buti nalang at papunta sa station yun. Makakauwi ako sa oras.




Nakita ko sya na nakatingin sakin. Walang emosyon ang mata nya. At madilim ang aura nya na kinakilabot ko. May binabalak ba sya? Kung ano man yun dapat maagapan ko yun. Di ako papatalo sa kanya.






NASA may station nako at nag aabang ng panibagong bus papunta sa pupuntahan ko. At nasakto naman na madami ding umuuwi galing probinsya kaya sobra ang traffic. 8:06 na nang gabi. At baka abutin nako ng 9:30 bago makapunta sa seafood resto. Haist. Nakakahiya na kay benjie kung pati ngayon ay di pako pupunta.





"Bakit kasi wala syang cellphone eh." Sabi ko sa sarili ko na as if naman masasagot. Sabagay, pulubi nga pala si benjie. Paano nya maa-afford ang cellpone? Bakit di nya benta ang ibang drawing nya? Pang kain nga nya nahihirapan na sya at di naman ganon kadaling mag benta ng drawing kaya talagang mahihirapan sya. Mabuti na nga at parang pag kakakitaan nya ang pag do-drawing. Ateast kahit pulubi ay may nagagawa sya at di lang namamalimos para makakain.




Minsan tuloy naiisip ko kung paano di nawala ang mga pinag hirapan nya? Makikilala ko kaya sya? Siguro hindi. Kasi lagi na syang nasa loob ng opisina nya at di makikipag halubilo sa iba. Ganon nga siguro.



Pero kahit ganon, blessing in disguise naman ang nangyari sa kanya at sa akin. Siguro ang gagawin ko nalang ay tulungan sya para maka-ahon ulit sya. Sayang din ang pinag aralan nya. Baka mas matalino pa sakin yun.



Napatingin ako sa pila nang umusad ang pila namin at makakasakay ako. At sana lang, makarating ako sa tamang oras.



Wag ka munang umalis, Benjie.













------------------------------

Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon