Chapter 16

203 8 1
                                    

Chesk's Pov

Nasa bahay ako ngayon. Wala akong magawa. Di naman ako papasok ng kumpanya kasi ayokong makita yung lalaking yun. Ayoko din lumabas baka makita ko si benjie na ngayon ay naging blake na.




"TAO PO!" Dinig kong sigaw sa labas. Huh? Sinong bibisita sakin ng alas otso ng gabi?



"Sandali lang!" Balik na sigaw kasi kasi di sya tumigil. Atat siguro kung sino man yun.



Pag bukas ko ng gate nakita ko ang isang delivery boy na may hawak na box at papel.



"Kayo po ba si Cheska Black?" Nag aalangan na tanong nya. Kinalampag nya ko tas di sya sigurado? Paano kung di ako yung hinahanap nya? Edi na baril sya ng wala sa oras dahil sa ingay nya. Ano bang courier company ang pinag tatrabauhan nito? Nang mareport ko.





"Ako nga. Bakit?" Sabi ko sa kanya. Inabot naman nya yung box at papel na hawak nya.



"Padala po. Pa-sign nalang po sa baba." Sabi nya at tinuro ang pag pipirmahan ko.




Pinirmahan ko naman at nagtataka ako kasi sinong mag papadala eh wala naman akong naalala na may mag papadala na kamag anak? Kasi yung mga kamag anak namin kilala lang ako pag tungkol sa pera. Kaya impossible na may mag padala.



"Kanino po galing ito?" Tanong ko kay boy ingay. Mas bagay sa kanya yun.




"Di ko po alam. Di po pinalagyan ng pangalan. Pero nag bayad po sya ng malaki para masigurado na di yan bomba o shabu o kung ano man, ma'am." Sabi nya. Napangiwi ako sa sinabi nya. Sinong mag papadala sakin nito? Impossible din naman talagang shabu o bomba to, kasi di naman nila papadala pag ganon.




"Ah sge salamat." Sabi ko sabay sara ng pinto. Bahala sya sa buhay nya.



Nang makarating ako sa sala ay binusisi ko ang box. Di sya ganoong kalaki. Di din naman maliit. Sakto lang kasi nahahawakan ko pa ng isang kamay eh. Mabigat din. Ano ito?




Malapad sya. As in. Pero di naman sya makapal. Mga 3 inc ang kapal nya pero malapad sya. Ano naman possibleng laman nito? Di naman pagkain kasi di kasya. Anong gamit ba ang ganto kalapad pero di kaanong makapal?




Bubuksan ko nalang kaya? Kaso baka pag bukas ko may bomba or baka prank ito.



Kinalog ko muna ang box at wala naman akong naring na kumabog. So sakto lang yung lamat sa box. Ano ba kasi ito? Sa labas ko kaya buksab para incase na kung bomba ito eh di sasabog ang bahay. Pero ako naman ang sasabog.



Hay. Masyado nakong nega. Ok. Bubuksan ko na nga.



Nakapikit pako nung binubuksan ko. Pero nung nabuksan ko wala naman nangyari kaya dinilat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang isang bukas na libro.

Isa itong bible. Nakabukas sya sa part ng Corinthians chapter 13. And it is about love. Kaya pala malapad yung box kasi nakabukas yung libro. At sa gitna non ay may singsing. A wedding ring to be exact. Sinong mag papadala nito?


Napatingin akk sa bible na hawak ko. Di ko matatanggal ang wedding ring kasi nakadikit sya don sa book. At nakatapat mismo sa verse 4 kung saan nag uumisa ang pag de-define ng love.



"Love suffers long and is kind; love does not envy; love does not parade itself, is not puffed up; does not behave rudely, does not seek its own, is not provoked, thinks no evil; does not rejoice in iniquity, but rejoices in the truth; bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.

Love never fails. But whether there are prophecies, they will fail; whether there are tongues, they will cease; whether there is knowledge, it will vanish away. For we know in part and we prophesy in part. But when that which is perfect has come, then that which is in part will be done away.

When I was a child, I spoke as a child, I understood as a child, I thought as a child; but when I became a man, I put away childish things. For now we see in a mirror, darkly, but then face to face. Now I know in part, but then I shall know just as I also am known.

And now abide faith, hope, love, these three; but the greatest of these is love."
-13:4-13




Yun ang nakalagay sa bible. Ang ganda. Sino kaya ang nag padala nito?



*ringggg*ringggg*


Napatingin ako sa phone ng bigla itong nag ring. Unknown number? Sino ito?












------------------------------

Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon