Chapter 11

223 7 0
                                    

Cheska's Pov



Nandito ako ngayon sa may fountain. Sa may park. Di ko alam pero dito ko naisip na pumunta. Dahil siguro maganda ang fountain kaya dito ko halos gusto pumunta.


"Hay. Dapat yata di nako umasa na mag babago pa ang ugali nya." Sabi ko sa sarili ko.


Napatingin ako sa langit ng mapansin na walang masyadong star sa taas.. Makulimlim pala. Uulan pa yata ngayon. Di na kasi ako nakakanood ng balita kaya di ko alam kung may bagyo o wala.



"Wag ka munang bumuhos ulan. Di pako nakakauwi eh. Pwedeng mamaya na?" Tanong ko habang nakatingin sa langit na alam ko naman na di sasagot sa tanong ko.



"Di ka naman naririnig ng ulap kung tatanungin mo ng ganyan." Isang boses ang narinig ko sa likod ko. Kaya napatingin ako sa likod ko. At nakita ko si benjie.



"Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Di ko kasi napansin na nandito pala sya. 9 na pala ng gabi. Siguro hinihintay na naman nya ako.



"Anong problema? Ayaw mo bang pumunta sa bahay ko? Baka kasi umulam eh." Sabi nya sakin. Kaya naman tumango nalang ako at sumama sa kanya.



Habang nag lalakad ay wala ni isang kumikibo samin. Siguro alam nya na wala ako sa mood para makipag biruan. Kahit di ako umiiyak dahil sa kanya ay syempre may impact pa din sakin ang mga nangyari. Nararamdaman ko pa din ang pag traydor nya sakin.




"Nandito na tayo." Dinig kong sabi nya. Di ko namalayan na nandito na pala kami.



"Umupo ka muna sa may sofa. Pasensya na kung luma ah. Pero ok pa naman yan. Kukuha lang ako ng maiinom. Juice or coffee?" Tanong nya sakin. Kahit ayaw kong humingi ay parang di ko naman mapipilit si benjie na hindi ako bigyan.



"Coffee nalang. Malamig din naman kasi eh." Sabi ko sa kanya at tumango naman sya. Habang hinihintay ko sya ay nakita ko si orange na nasa may kahoy. Nakastay lang sya at mapag kakamalan mo syang laruan.


"Buti wala ka sa likod ng kusina?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin sakin ang ibon.


*craaw*craaw*


Di ko din naman maiintindihan kahit pala sumagot sya.



"Nilagay ko sya dyan kasi pag umuulan ay nababasa sya. Baka naman lamigin sya. Kahit naman hayop lang yan ay nakakaramdam naman sila. Kaya dito muna sya. Tutal hindi naman sya nag dudumi sya. Lilipad pa sya palabas kung mag dudumi sya. Siguro mabusising pag te-training ang ginawa ng amo nya dati kaya ganyan sya." Sabi ni benjie. Di ko napansin na tapos na pala sya at nandito na pala sya.




"At ang swerte mo kasi nakuha mo sya." Sabi ko sa kanya.



"Alam kong may problema ka. Anong problema mo?" Tanong nya ulit. Ayoko sanang pag usapan to.




"Wala na kami." Yan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit yan din ang binigkas ko. Pero siguro alam ko na mapagkakatiwalaan sya.



"Ganon ba. Wag ka ng malungkot. Di nya deserve ang tulad mo. Di ka dapat nalulungkot sa pag kabreak nyo." Sabi nya sakin. At alam kong sinabi lang nya yun para mapagaan ang loob ko.



*craaw*craaw*



Sabi ni orange kaya natawa kami ni benjie.



"Kita mo na? Pati si orange ay sang-ayon sakin. Alam kasi ni orange na tama ako." Sabi nya sakin. Kaya naman napaisip ako. Siguro nga at di kami oara sa isa't-isa.



"Tingin mo ba? Kilala mo ba ang boyfriend ko?" Tanong ko sa kanya. Di ko pa yata nabanggit si jaze sa kanya eh. At alam ko di nya alam ang pangalan nya. Ang sinabi ko lang ay may boyfriend ako.




"Hindi pa nga. Bakit?" Tanong nya sakin. Di ko pa nga nasabi sa kanya.



"Di mo na dapat malaman yun. Wala naman syang kwenta eh." Alam ko naman kasi na di na nya dapat malaman pa. Puputulin ko na kasi ang connection ko kay jaze.



"Walang kwenta pero nag kakaganya ka? Di ko talaga maintindihan kayong mga babae. Sinasabi nyong di kayo mag seseryoso pero pag wala na kayo kung makaiyak kayo ay parang magugunaw na ang mundo." Pangangaral nya sakin. Di naman ako tulad ng ibang babae eh. Oo masakit. Masakit kasi naramdaman ko na tinatraydor ako. Masakit sakin yun. Pero di naman ako iiyak nang dahil doon no. Di ako ganong babae. Bahala sya.




"Di ako ganon. Iba ako sa kanila. Nakita mo naman oh! Di ako umiiyak. Kasi nga di ako affected." Sabi ko sa kanya. Kasi totoo naman.



"Oo nalang ako sayo. Pero gusto mo ba gawin ulit natin ang dati nating ginagawa? Yung hati tayo sa pera at gagastusin natin kung anong gusto natin?" Sabi nya sakin. Kaya sumang ayon ako sa kanya.


"Pero dalhin mo si orange ah. Gusto ko kasama sya satin." Sabi ko sa kanya. Para mabilha ko na si orange ng kulungan nya.


*craaw*craaw*


"I'll take that as a yes orange." Sabi ko sa kanya kaya natawa kami ni benjie.



"May pasok pako bukas. Mga 5 ang out namin. Puntahan mo nalang ako sa mismong kumpanya ah?" Sabi ko sa kanya. Umoo naman sya sakin.


Di na nya ako pinauwi. Doon sa isang kwarto ulit ako matutulog. At sya na din ang nag luto ng pag kain namin.




"Hanggang anong oras tayo bukas? Alam ko naman na dapat ay maaga ka. May pasok kapa kinabukasan eh." Sabi nga samin habang kumakain kami.



"Hayaan mo muna yun. Wag mong isipin. Basta ang isipin mo ay mag sasaya tayo bukas." Sabi ko sa kanya. Di nya dapat alalahanin ang trabaho ko. Pero kahit ganon ay masaya ako na nag aalala sya sakin.



"Salamat at nasa park ka. Kung wala ka ay baka naabutan nako ng ulan." Sabi ko sa kanya.


"Wala ka naman yatang balak na umalis doon eh. Kanina pako nandon at tinitignan kita. Natatawa nalang ako at kinakausap mo ang langit." Sabi nya kaya namula ang pisngi ko sa hiya. Narinig nya pala yun?


"Wag mo na ngang sabihin yun. Wala lang ako sa sarili non no." Sabi ko.


"Ok sge. Sabi mo eh. Haha." May patawa tawa pa sya. Tsk.





-XM

Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon