Cheska's Pov
"Sunduin na kita mamaya ah." Sabi ni benjie.
"Wag na. Susunduin ako ng boyfriend ko eh. Pero mag kita tayo sa park ng alas siete ng gabi. Para naman makalabas tayo kahit sandaling oras lang." Sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag kagulat sa mukha nya ng sinabi ko yun. May nasabi ba kong di maganda?
"May boyfriend kana?" Malungkot na tanong nya sakin. Baka naman naiisip nya na porke may bf ako ay makakalimutan ko sa sya.
Agad namana kong lumapit sa kanya.
"Wag ka ng malungkot. Mag kaibigan pa rin tayo. Wag kang mag alala. Di naman kita pag papalit bilang kaibigan no. Kaya smile kana. Lalabas naman tayo mamaya eh." Pag che-cheer ko sa kanya.
"Sge. Mamaya mag kita tayo sa park ng alas siete. Hihintayin kita. Sumipot kana ngayon ah." Sabi nya sakin kaya napatawa ako.
"Oo naman. Nag alarm ako sa phone ko para maalala ko agad. Wag kang mag alala. Maalala ko yun no." Sabi ko sa kanya kaya naman natawa din sya.
"Sge na. Pumasok kana. Oras na baka malate ka pa nyan at pagalitan kapa." Sabi nya kaya nag paalam nako sa kanya at pumasok na sa loob.
Nang papasok ako ay sakto naman na may nareceived akong text. Text mula kay jaze. Oo nga pala. Ihahatid nya pala ako sa kumpanya. Malalaman nya yan na wala ako sa bahay. Mag dadahilan ba ko?
Message : Nasaan ka? Nandito ako sa bahay mo pero wala ka naman. Nasaan ka? Saan ka natulog?
Sabi nya sa text. Naku. Anong sasabihin ko? Di pa naman akong nag tataksil diba? Kaibigan ko lang naman si benjie kaya wala lang yun. Tama. Yun ang sasabihin ko.
Typing...
Sorry wala ako sa bahay. Nakitulog ako sa kaibigan ko. Sorry di nako nakapag paalam. Umulan kasi kagabi at lowbatt din ang phone ko. Sorry talaga. Pero nasa office nako. Mamaya nalang ulit. Love you po.
Message sent...
Haist. Sana naman di sya magalit. Sabagay wala naman syang dapat ikagalit eh.
"Chesk!" Dinig kong sigaw ni mylene.
"Bakit? Makasigaw ka naman parang mawawala ako ah." Sabi ko sa kanya.
"Nakita ko yun ah. Nakita ko na iba ang nag hatid sayo. May bago kana? Pero boyfriend mo si jaze diba? Paano?" Sabi nya sakin. Haist.
"Kaibigan ko lang yun." Totoo naman eh. Di ko naman kaano-ano si benjie. At para sakin kaibigan ko sya.
"Kaibigan? Talaga ba? Osya sge. Sabi mo eh. Edi kaibigan kasi." Sabi nya na parang di sya kumbinsido na kaibigan ko sya. Mukha ba kaming may relasyon?
"Kaibigan ko lang talaga yun. Wala ng iba. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo. Baka pagalitan lang tayo dito eh. Oras na din oh! Tara na." Sabi ko sa kanya at di ko na sya hinintay na mag salita. Agad nakong umalis para di na sya mag salita pa. Baka kung ano pang sabihin nya at iba pa ang isipin nya pag nag paliwanag ako.
"Chesk? Pagawa ng report neto. Kailangan ko na this afternoon. Gawin mo na." Bungad sakin ni head. Di pa nga ako nakakaupo may trabaho agad? Di man sya excited na makita ako no?
"Sge po. Gagawan ko po. Bibigay ko po agad sa inyo pag tapos na po ako." Sabi ko sa head namin at agad na pumunta sa table ko. Grabe. Ang dami ko naman gagawin. Bukas pa ang day off ko dahil sunday. Kaya sobrang dami ng trabaho ngayon kasi walang pasok bukas.
Habang ginagawa ko ang report ko ay talagang tutok na tutok ako. Kasi kailangan matapos ko ang report na to. Baka maging dahilan pa to para mawalan ako trabaho.
"Chesk? Alam mo ba? Nakita ko kahapon si jaze sa mall. Remember? Nag papasama ako sayo kahapon? Tapos nakita ko sya kahapon sa mall, may kasama sya na ibang babae. Di ako sure kung sino ang babae. Pero sure ako na si jaze yun." Mahinang bulong ni mylene sakin. Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Ano ka ba naman. Di yan gagawin ni jaze ano ka ba." Sabi ko sa kanya kahit na sa loob loob ko ay kumakabog na ang dibdib ko. Di naman gagawin ni jaze yun. Nag bago na sya alam ko. At nakikita ki yun sa kanya.
"Ok sabi mo. Pero chesk, mag ingat ka pa din. Di natin alam kung nag bago na sya. Ang nakita ko kasi na babae ay naka miniskirt at off shoulder na damit. Talagang hapit na hapit ang damit. At ang sexy nung babae. Pero ang mukha ay di ko alam. Katawan lang kasi ang tinignan ko. Pero mag ingat ka pa din bes. Mahingap na." Sabi nya sakin.
Nag kibit balikat nalang ako. Kasi maging ako ay natatakot na baka may iba nga sya. At bilang isang dating cassanova, ay talagang ganon sya. Pero alam kong nag bago na sya. Kaya dapat ay may tiwala ako sa kanya.
"Wag nalang muna tayo mag husga. Di naman natin alam ang totoo. Malay mo kapatid nya pala, o kaya ay pinsan o baka naman malapit na kaibigan. Wag na muna nating isipin yun. Tatanungin ko sya mamaya tungkol dun. Alam ko naman na di yun mag sisinungaling sakin." Sabi ko kay mylene at agad na tinutok sa computer ang attention ko.
"Sana nga bes. Ayaw ko lang na isang araw nakikita kitang umiiyak dito. At baka mag stress ka, madepress ka. At baka ikamatay mo pa yun." Sabi nya sakin. Di ko nga alam kung matatawa ako eh. Ganon ba ang tingin nya.
"Di ako magiging ganon my." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba!? Si jonghyun nga namatay dahil sa depression. At ang ibang tao nga namamatay dahil don eh. Nakakamatay yun. Kaya nga sinasabi ko sayo eh." Sabi nya. Kaya talagang natawa nako.
"Salamat my. Pero di ako ganon kababaw. Sge na. Office time ngayon. Baka mawalan pa tayo ng trabaho." Sabi ko at tinutok ulit ang mata ko sa computer at nag focus.
-XM
BINABASA MO ANG
Beauty In Between (COMPLETE)
Povídky"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-vi...