Cheska's Pov
Message received...
Chesk? Nandito nako sa tapat ng kumpanya. Di ka pa ba tapos?
Haist. Ang agad naman yata nya. Mag a-alas singko palang eh. Sabagay malapit na din ang out ko. Pero ang alam ko mas matagal ang out ng CEO kesa sa tulad namin. Bakit ang aga naman nyang natapos? Naku. Di naman porke CEO ay gagawin mo na ang gusto mo. Di yata tama yun no.
Typing...
Malapit ng matapos ang shift ko. Wait mo nalang ako.
Message sent...
"Chesk? May lakad ka ba ngayon?" Tanong sakin ni my.
"Oo eh. Kasama ko si jaze ngayon. Bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ko habang inaayos ang gamit ko. Malapit na din naman mag out nyan eh.
"Ah sge. Yung payo ko sayo ah. Wag mong kalimutan. Sge na bes. Alis nako." Sabi nya sakin at umalis na. Napatingin ako sa orasan sa braso ko. 5:01 na pala.
"Ok team. Out na." Sigaw ni head samin kaya dali-dali akong umalis.
Sa labas naman ay nakita ko si jaze na nag hihintay sakin.
"Ako na mag bibitbit ng gamit mo." Sabi nya sakin at kinuha ang bag ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Date natin ngayon. Di ka na nga sumama sakin kahapon eh." Nag tatampong sabi nya sakin.
Pinag buksan nya ko ng pinto ng kotse kaya sumakay nako. Tsaka sya umikot papunta sa driver's seat.
"Saan ka nga nag punta kahapon nung umalis ako?" Tanong ko sa kanya nung nag simula na syang mag drive.
"A-ah. Y-un ba? Ano hmm. Umuwi nako non. Oo umuwi nako non. Bakit?" Nag taka ako kung bakit pa sya na-uutal.
"Talaga? Galing kasi ako sa mall eh. Nakita yata kita at may kasama kang babae. Tinawag pa nga kita eh. Lumingon ka pa nga kaso di mo yata ako napansin sa dami ng tao." Pag sisinungaling ko. Hinuhuli ko lang sya kung anong gagawin nya. Kasi kung tama si mylene, dapat nga akong mag ingat.
"A-ah yun ba? K-kasama ko si ano. S-si--. Y-ung pinsan ko. Haha. Oo. Galing kasi syang states eh. Kaya pinasyal ko dito." Sabi nya kanina ay nasa bahay. Bakit ngayon nag iba? May tinatago si jaze sakin. Yung ang sigurado ko.
"Dito talaga tayo? Di ba ang mahal ng pag kain dito?" Sabi ko sa kanya.
"Walang mahal para sayo. Kain na tayo." Sabi nya sakin. Nandito kasi kami sa isang restaurant. At tingin ko mahal talaga. Isang seafood resto. Iba pa to sa dating pinuntahan namin.
"Masarap ba?" Tanong nya sakin. Kumakain kasi ako ng crab. At ito ang pinaka favorite ko eh.
"Oo naman. Favorite ko eh." Sabi ko sa kanya.
"Buti naman at nagustuhan mo. Kala ko kasi di mo magugustuhan eh." Kinakabahang sabi nya.
"Paanong di ko magugustuhan? Diba sabi ko naman sayo na basta seafood ay gusto ko." Sabi ko sa kanya. Lagi ko kasing sinasabi sa kanya yun. Kaya paano nya nakalimutan?
"Ah oo nga pala. Gusto mo mag take out?" Tanong nya sakin.
"Nakakahiya naman kung mag te-take out pa tayo no." Sabi ko sa kanya. Ang dami kasing kumakain eh. At talagang mukhang mayayaman ang kumakain. Nakakahiya naman kung ganon ang gagawin ko.
"Ok lang no. Waiter! Patake out ng crabs and shrimps" sabi nya at agad na tumango ang waiter at pumunta sa loob.
"Jaze baby?" Dinig kong sabi ng isang boses sa likod ko. Napatingin naman ako doon.
"Sino sya?" Tanong ko kay jaze. At parang namumutla sya at bigla ay dumugo ang ilong. Huh?
"Tissue oh." Sabi ko sabay abot ng tissue.
"Baby? Remember? May date pa tayo. Bakit may kasama kang iba! At sino kang babae ka ah!?" Mataray na tanong nya sakin.
"Ang lakas naman ng loob mong tanungin sakin nyan? Ikaw sino ka ba? Ako ang girlfriend ni jaze." Sabi ko sa kanya. At tinignan sya. Sexy sya. Kasi pangsexy ang suot nya. Fitted dress at backless. Pero no comment ako sa mukha.
"Girlfriend! Sabi mo jaze wala kang girlfriend! Nag date palang tayo kahapon ngayon may gf kana!?" Galit na tanong nya kay jaze. At nagulat naman si jaze sa sinabi ng babae.
"Sir? Yung take out nyo po." Sabi nung waiter at nilapag ang pag kain na nakabalot.
"Anong ibig sabihin nito jaze?" Seryosong tanong ko sa kanya. Mag sisinungaling pa ba sya? Eh huling huli na sya.
"Ahm. Chesk? Hayaan mo muna akong mag explain." Sabi nya sakin at tumayo. Pero di ko sya hinayaan na makalapit.
Kinuha ko ang nakabalot na pag kain at itinapon sa kanya.
"Salamat nalang. Di ko kailangan nyan." Sabi ko sa kanya. At kinuha ang plato na pinag kainan ko at tsaka isinampal sa babae.
"Ok na miss. Pwede na kayong mag date. Bye." Sabi ko sa kanila at umalis na. Di ko kailangan ng taong manloloko. Tsk.
-XM
BINABASA MO ANG
Beauty In Between (COMPLETE)
Short Story"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-vi...