Chapter 8

245 8 0
                                    

Orange 👆👆👆









Cheska's Pov

Kakatapos ko lang maligo at nakapag bihis. Di ko alam kung lalabas pa ko o hindi. Nakakahiya kasi eh. Masyadong malaki ang damit sa akin pero maganda sya.


Haist. Masyado talagang pinapahalagaan ni benjie ang mga gamit ng mama nya. At base sa kwarto na to, lahat ng gamit na to ay talagang alagang alaga sya. At alam kong mahalaga to sa kanila.


Napag pasyahan ko na pumunta sa kusina. Tutal sabi nya naman na pumunta doon pag katapos kong maligo.


Agad akong pumunta sa kusina at naabutan ko syang nag luluto.


"Oh andyan kana pala. Umupo ka na. Malapit na din matapos to." Sabi nya sakin at itinutok ang attention sa pag luluto.


"Sge. Mukhang masarap ang niluluto mo ah." Sabi ko sa kanya. Nakakatakam kasi ang amoy kaya mukhang masarap ang luto nya.



"Hindi naman. Siguro sakto lang." Sabi nya at pinatay ang stove at nag ayos ng plate.


"Tulungan na kita." Sabi ko sa kanya.



"Wag na. Ako nalang. Bisita kita dito." Sabi nya sakin.


*craaww*craaww*

Dinig ko mula sa likod ng kusina. Parang ibon yata yun eh.


"Ano yun?" Takang tanong ko sa kanya.


"Ah yun ba? Si orange yun. Parrot ko. Maliit lang yun. Tignan mo sa likod. Habang inahanda ko yung pag kain natin." Sabi nya sakin kaya tumayo ako papunta sa likod ng kusina.


*craww*craaww*

Sabi ulit ng parrot. Ang cute nya. Ang liit nya. At sobrang tingkad ng orange nya talaga. Ang cute naman ng parrot nato.

Napatingin naman ako sa parrot at nakita ko na nakatingin din sakin to. At parang kinikilala ako base sa pag tingin nya. Nakatrain ba tong parrot na to? Kasi parang alam na alam nya ang amo nya eh. Ang cute nya naman.


*craaww*

Sabi nya ulit kaya napatawa ako sa kanya. Gusto kong mag karoon tuloy ng parrot.


"Chesk? Kain na." Dining kong sigaw ni benji mula sa kusina.


"Bye na bye na muna parrot." Sabi ko sa parrot. Na parang tanga. As if naman naiintindihan nya ang sinasabi ko no.



*craaaw*


"Tara kain na tayo bago lumamig ang pag kain." Sabi nya sakin.


Nakita ko naman ang niluto nya. Sinigang. Dahil na rin siguro sa umuulan kaya may sabaw ang luto nya.


"Marunong ka palang mag luto?" Sabi ko sa kanya.


"Ah oo. Nung mawala ang parents ko talagang nag aral akong mag luto. Kasi sino pang aasahan ko sa buhay kung di ang sarili ko?" Sabi nya sakin na naintindihan ko naman. Oo nga naman. Para sa ulilang tulad nya talagang dapat na mag pursige sya para sa sarili nya na din.


"Mukhang masarap talaga. Salamat sa pagkain." Sabi ko sa kanya at nag umpisa ng kumain. Di ko makakaila na talagang masarap ang luto nya. Talagang malasa at di masyadong maalat ang luto. Tama lang sya.


"Pwede ko na bang malaman kung paano ka naging ganyan? Lastna kita natin ay madumi pa ang suot mo. Ngayon parang mas mayaman kapa sakin. Patawad ah. Di kita natulungan. Pero babawi naman ako sayo." Sabi ko sa kanya.



"Ok lang. At ang totoo nyan ay nung mga araw na di ka sumipot, naisip ko na baka di mo na naalala ang usapan natin. Kaya wala akong pinalampas na araw at lagi akong nadon, umaasa na darating ka sa tagpuan natin. Pero nang mga araw na yun, lagi akong gumagawa ng mga drawings, para sa ganon ay kung mag kikita tayo marami akong ipakita sayo. Pero isang araw, nakita ng isang business man ang gawa ko non, at binili nya ang ilan sa mga gawa ko. Kaya nakakuha ako ng malaking halaga ng pera. At naisip ko na ibenta ang ilan sa gawa ko, para pag nag kita tayo ay may ipag malaki naman ako sayo. Pero nung isang araw, Nakita ko ang isang nag mamadaling ambulansya. Bigla akong kinabahan na baka may nangyari na sayo. Baka dumating ka sa park pero may nangyari sayong masama. Baka mas malala pa sa pagnakaw ng bag mo ang nangyari sayo. Talagang kinabahan ako ng mga oras na yun. Kaya kinabukasan noon, ay pumunta ako sa tagpuan natin. At yun. Nakita na kita." Kwento nya sakin. At talagang naiyak ako. Nakokonsensya ako kasi di ko alam na ganon na pala ang nangyayari sa kanya. Dapat ay natulungan ko sya ng mga oras na yun. Pero ang attention ko ay na kay jaze.



"Patawad. Di ko alam na ganyan pala ang nangyari sayo. Sorry talaga." Sabi ko sa kanya.



"Okay lang. Ang mahalaga ay nandito kana ulit. At si orange. Nakita ko sya sa parke nung araw na dapat ay mag kikita tayo. Kaya naman kinuha ko sya kasi naawa ako sa kanya. Baka may maligaw na aso at kainin lang sya. Gusto ko sana ay ikaw ang mag pangalan sa kanya. Pero di ka na nga dumating non. At talagang masaya ako at nandyan si orange. Kasi pag may mali akong ginagawa ay mag iingay sya. At parang alam na alam nya ang dapat na gawin ko. Kaya minsan ay pag pumupunta ako sa tagpuan natin ay sinasama ko sya. Para di ako mainip. Minsan nga napag kakamalan nakong baliw eh. Kasi kinakausap ko sya. Pero di nila alam na naiintindihan ako ni orange. Alam ko yun." Sabi nya. Dapat pala ay mag pasalamat ako sa parrot na yun. At kahit wala ako ay may kaibigan si benjie.


"May kulungan ba si orange?" Tanong ko sa kanya.

"Meron. Pero isang malaking container lang yun na binutas ko kasi di ako makabili ng kulungan. Pero pag nakaluwag ako ay ibibili ko sya." Sabi nya sakin.


Naisip ko kasi na bigyan sya ng kulungan. Pero dito sa loob ng bahay ay di sya nakakulong. Pero di naman sya umaalis sa pwesto nya.



"Ang galing ng amo nya, kasi na train nya ang parrot na yun ng sobra. Kaya wala di naman nya ko naabala." Sabi nya ulit. At talagang swerte nya sa parrot na yun.


Ibibili ko sya ng kulungan at pag kain na din. Para naman di na nya abalahin ang pag bili sa mga yun.



-XM

Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon