Chapter 18

206 7 0
                                    

***Flashback***





Third Person Pov



Sa isang kilalang kumpanya. May isang lalaki na halos tinitingala ng lahat. First time nyang mag karoon ng kumpanya dito sa pilipinas. At isa syang sikat na business man sa europe at ibang parte ang asya. At kilala ito as tahimik na tao. At kung makakarinig ka man na salitang bibigkasin nito ay sigurado napaka importante ng mga sasabihin nya.




Nanatili sya sa pilipinas para palaguin ang negosyo tsaka sya babalik sa europe para sa ibang business nya.




"Sir? There is a new applicant for the department of marketing. Should i let him in?" Tanong ng sekretarya pero tinanguan lang ng lalaki. Kaya tumungo nalang ang sekretarya at pinapasok ang gustong mag apply ng trabaho.




Mapili sa trabaho si Blake Montero. He wants his employees with high iq incase that he might sent them in his other company if they are good in their performance. Di nga biro ang pag pasok sa kumpanya nya. Pero di din biro ang sweldo na pwede mong makuha pag nakuha ka.



Di pwede sa kanya ang tatamad tamad at paganda. Kung minsan nga makita pa lang nya na makapal ang make up ng isang babae o maiksi ang damit ay pinapaalis nya na agad. Wala syang panahon para sa mga babae. Ang gusto lang nya ay lumago ang negosyo nya.





"S-sir?" Napa-angat sya ng tingin sa lalaki na ngayon ay nangangatong na ang tuhod sa kaba. Medyo nerdy type ang lalaki sa suot na salamin pero may style pa din ang kanyang pananamit.




Inilahad nya ang kanyang kamay para abutin ang resumé ng lalaki. Ayaw nyang pakuha sa secretary ang resumé nila. Dahil gusto nya na mabasa sa mismong interview. At isa pa, wala syang time para mag basa ng mga resumé na itatapon din nga bandang huli.




"Can you do actual performance? I don't have time for the interview." Sabi nya sa lalaki. Kaya sumagot ang lalaki ng oo.




"Come back tomorrow morning. Report to me that market sales of this month. Get the copy to my secretary. You may now leave." Sabi nya kaya agad na umalis yung lalaki.




*ringggg*ringggg*




"Yes?" Sagot nya sa tawag. Its a conference call.


"Man!" Sigaw ni Raiver.



"Kailan kaba bumalik?" Tanong ni Shin.




"Wag nyo nga syang biglain. Wala tuloy masabi." Sabat ni Hunter.




"Musta ang buhay sa pilipinas bro?" Tanong ni Cody. Mga kaibigan nya.




"Hot." Maikling sabi nya. Kaya nag ingay lalo ang mga kaibigan nya.




Mga kaibigan nya na nakilala nya pa sa europe. Kaya talagang mag kakalapit ang loob nila.




"Ok. I'm gonna hang up. I have important things to do." Sabi nya. Narinig nya pang ngumawa ang mga kaibigan nya pero di na nya pinansin at binaba ang telepono.



Mabilis nyang tinapos ang mga paperworks nya dahil may mahalaga pa syang gagawin. At tiyak na darating ang mama nya ngayon galing europe para kumustahin sya.




Lumipas ang mga araw na naging mas busy sya sa kumpanya dahil sa pagkawala ng ibang pera nya sa sales nya. At nafu-frustrate na sya sa mga dapat gawin.





"Si-sir?" Tanong nung bago nyang empleyado.



"Did i tell everyone to knock before entering my office?" Inis na sabi nya.




"S-sorry sir. Pero ka-kanina pa po ako ku-kumakatok." Mahinang sabi nung lalaki.




"What is it?" Tanong nya. Inilahad naman ng lalaki ang isang folder.



"About p-po sa shipping line ng i-investor, s-sir." Sabi nung lalaki kaya wala nang basa basa at pinirmahan nya agad at inabot sa lalaki. Nakita pa nya ang pag ngiti ng lalaki bago nag paalam na umalis.









"What!? Bakit ako papaalisin eh akin 'to?" Inis na tanong nya. Pinapababa a sya ng mga board members nya dahil ang sabi ng mga ito ay wala na sya as CEO. How come? Eh sya ang nag tayo ng kumpanya?





"Dahil ako na ang bagong CEO." Nakita nya ang nerd na empleyado nya na ngayon ay iba na.


Di sya nag pakita ng emosyon. Dahil alam nya na umpisa palang ay mangyayari ito. Pero di nya pinahalata.



"Okay. You want game. Then i'll give you one. Enjoy first before you taste hell." He said and walk through the door. But before he walks out, he stop.




"But remember, you're the one who makes your own downfall, Jaze Azeal." Sabi nya at agad na umalis sa board room.






***End Of Flashback***







"Yun nga. Bumalik ako dito kasi sabi nya ay may nagugustuhan syang babae. At kukunin na nya ulit ang kumpanya nya. Kaya nandito ako. At nandito sa harap mo kasi ikaw yung mahal ng anak ko. Patawarin mo sana sya." Sabi ng ina ni Blake.



Samantalang nag ngingitngit naman sa galit si Cheska dahil sa ginawa ng Demonyong Jaze Azeal na yun. Di nya lubos maisip na nagkagusto sya sa lalaking ganon ang ugali. Totoo nga na di mo masasabi ang ugali ng lalaki batay sa itsura nya.




"Kakausapin ko po si Blake. Wag po kayong mag alala, ma'am." Sabi nya sa ginang na nakapag panatag sa ginang.





"Salamat. At wag mo nakong tawaging 'ma'am', tita nalang. At pag nakasal kayo ng anak ko, mama na rin ang itatawag mo sakin." Nakangiting sabi nya. Kaya napangiti na rin sya. Nahahawa sya sa ngiti ng ginang dahil talagang nakakagaan ng pakiramdam ang mga ngiti nya.




"Sge. Aalis nako. Sana makapag usap kayo ng anak ko. Aasahan ko yan." Sabi nya. At hinatid ang ginang palabas.



Nasa isip nya kung paano haharapin si Blake. Ngayong alam na nya ang nangyari. Pero naisip nya na una nyang kakausapin ang Jaze na yun para matapos na sila.











------------------------------

Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon