Cheska's Pov
"Chesk? Nagawa mo ba ang report mo? Ngayon kasi natin ipre-present yun." Sabi ni mylene sakin. Ka office mate ko.
"Ah oo. Ginawa ko. Natapos ko nga eh. Wag kang mag alala." Sabi ko sa kanya. Pang second day ko na to sa office. At kakasimula ko palang ay parang sasabog ang utak ko sa dami ng reports. Hay.
"Ay oo nga pala. Balita ko nililigawan ka ng CEO sa kabilang building." Sabi nya sakin. Agad naman akong napatingin sa kanya.
Sino naman ang nag kakalat non? Si jaze ba ang tinutukoy nya?
Si Jaze Azeal ay yung lalaking may ari ng kumpanya sa katabing building. At di ko alam na sa lahat ng ginagawa nya eh pinopormahan na pala ako. Eh pangatlong araw palang na mag kakilala kami eh. Baliw ba yun? Tsaka di ako seryoso sa kanya.
Si Jaze kasi ay kilala as cassanova. Iba iba ang babae. Bakit ko naman sya magugustuhan kung ganon ang ugali nya? Malay mo pag naging kami in future, di ko man malalaman na meron din pala syang iba. Ganon ang mga babaerong lalaki.
"Alam mo? Wag mo nalang pansin ang mga ganong chismis. Nakakasira yan ng trabaho eh." Sabi ko sa kanya at kinuha ang folder para magawan ko ng power point.
"Sabagay tama ka dyan. Wag kang mag papakain sa pain non. Mamamatay ka." Pananakot nya sakin. As if naman na lalapit ako dun.
*beep*beep*
Speakin of. Haist. Bakit ba to tumatawag?
"Hello? Sabihin mo na agad ang kailangan mo kasi may ginagawa pakong trabaho. Palibhasa CEO ka kaya pwede mong iutos sa iba ang gagawin mo. Pero ako marami akong ginagawa. Kaya sabihin mo agad ang gusto mong sabihin." Agad na bungad ko. Narinig ko ang pag tawa nya sa kabilang linya.
"Yayayain sana kitang lumabas para kumain." Sabi nya sakin. Napairap naman ako.
"Ayoko. May lakad akong iba." Sabi ko sa kanya.
"Kukulitin kita pag di ka pumayag." Sabi nya sakin. Haist.
"Sge. Anong oras ba?" Naiinis na tanong ko.
"Mga 7. Sa may seafood resto sana." Sabi nya sakin.
"Sge." Sabi ko sabay baba ng tawag. Masyado kasing makulit.
Totoo lang di naman mahirap magustuhan si jaze. Talagang masikap sya. Pero sa reputasyon nya as cassanova ang nakakapag papanget ng image nya.
At di ko naman maalis sa sarili ko na di maattract sa kanya. At kung talagang ang mga tao ay nag babago ay sya siguro ang magugustuhan ko. Kung titigil na sya sa pagiging babaero.
"Chesk? Tara na. Mag u-umpisa na yung presentation natin." Sabi nya sakin. Kaya tumayo nalang ako at sumunod.
"Ok good job team." Sabi ni head kaya napapalakpak kami. Successful naman kasi ang presentation namin kaya talagang masaya kami.
"Ok pwede na kayong umuwi. Tutal natapos nyo na ang presentation." Sabi ni head kaya naman agad akong pumunta sa table ko para ayusin ang gamit ko.
"Chesk? Aalis kana ba?" Tanong nya sakin.
"Oo eh. May lakad pa ko eh." Sabi ko sa kanya pero ang attention ko ay nasa gamit ko.
"Ayieee! May date kayo ni fafa jaze no?" Sabi nya sakin. At dun ay nakuha na nya ang attention ko.
"Ano ka ba naman. Di yun date. May pag uusapan lang kami. Sge na. Alis nako. Bye. Kita nalang bukas." Sabi ko. At narinig ko na nag paalam na din sya.
Nilakad ko nalang hanggang resto. Dahil malapit lang din naman. Di ko na kailangan na mag jeep. Sayang ang 8 pesos pag nag jeep pako.
Nang makapasok ako ay bigla akong nag crave sa hipon at crab. Bakit kasi dito pa nya naisip ang meeting place eh. Pero di ako pwedeng gumastos. Sayang sa pera. Ang mahal mahal dito sa resto. Bibili nalang ako. Makakamura pako.
Umupo ako sa madaling makita. Para naman di na nya ako hanapin. Napatingin ako sa relo ko. At nakita kong 6:56 na pala. Napa-aga yata ako. Habang wala pakong ginagawa ay nag cellphone nalang muna ako para di ako mabored.
Bakit parang may nakalimutan ako ngayon? May dapat ba kong gawin? Haist. Tumatanda na yata ako at nakakalimutan ko. Iisipin ko nalang mamaya.
"7:45 na pala. Pero bakit ang tagal nya yata?" Nag tatakang tanong ko.
Tama naman ang pinuntahan ko. Eto lang seafood resto na nandito sa lugar. Kaya paano ako nag kamali.
"Ngayon pa nga lang na mag kikita tayo di kana sumisipot paano pa kaya pag naging tayo. Ganto ka ba manligaw huh?" Naiinis na tanong ko. Kaya naman umalis nako. Mas ok pa na matulog. Wala din ang mapapala dito.
Nang makalabas ako ay nakita ko ang isang bookstore. Parang may nakalimutan talaga akong gawin.
Wala namana kong bibilhin sa bookstore kasi may gamit sa office. Haist. Pagod na nga siguro ako. Matutulog na nga lang ako sa bahay.
-XM
BINABASA MO ANG
Beauty In Between (COMPLETE)
Short Story"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-vi...