Chapter 15

205 6 1
                                    

Cheska's Pov




Halos liparin ko na papunta sa seafood resto. Wala na kasing jeep papunta don. Hanggang 8 lang ang jeep na dumadaan sa resto kaya di nako umabot. 9:57 na nang gabi at malayo pa ako sa resto. Di ko na alam ang gagawin ko. Pagod nako pero di naman ako pwedeng huminto kakatakbo kasi baka umalis na si benjie doon.



Ano pa bang aasahan ko? It's 9:58 na nang gabi? At usapan namin ay 9? Tingin mo mag tya-tyaga sya na hintayin ka ng ganito? Nadala na sya sa unang di mo pag sipot kaya alam nya na di kana ulit sisipon. Wag kang ambisyosa na hihintayin ka nya.




Arrggg! Kahit ngayon lang sana! Utak makisama ka! Imbes na positive ang ibigay mo sa aki lalo mo pa kong pinapakaba. Nagiging nega ako ng dahil sayo!



Agad akong natuwa nang makita ko ang building ni demonyo. Ibig sabihin malapit na ako sa resto. Konting tiis na lang chesk. Aabot ka.




Di ako nag dalawang isip na buksan at dire-deretsong pumasok sa resto nang makita ko ito. Agad akong nag hanap sa mga table kung nasaan si benjie. Madali lang naman mag hanap kasi wala na masyadong tao. 10 na din kasi kaya konti nalang ang kumakain. At konting oras nalang ay mag sasara na ito. Mahirap ding mag hanap kasi masyadong malaki itong resto para mag hanap ng isang tao lang.






"Miss? Mag sasara na po kami." Magalang na sabi nung waiter sakin. At napansin ko din na di na sila nag papapasok at hinihintay nalang ang mga kumakain.





"Ah kuya? May nakita ka bang lalaki na may balbas at bigote? Pero gwapo kuya ah. Tas matangkad na parang madungis na basta. Di ko ma-explain." Sabi ko sa kanya.



"Ah meron po kanina. Kaka-alis nya lang nga po eh. May kausap po sya kanina. Mukhang mayaman na lalaki. Parang nag-aaway po sila kasi talagang nakakatakot sila kanina." Sabi nung waiter na ikinataka ko. Paanong may kaaway yun eh ako nga lang laging kasama non? At impossible na may kaawau na mayaman si benjie kasi nga pulubi lang sya. Baka iba naman 'tong sinasabi ng waiter. Kasi napaka impossible eh.




"Ah sge po kuya. Salamat po." Sabi ko na lang at umalis na agad. Saan ko naman sya hahanapin? Sa bahay nya? Oo nga no. Bakit di sa bahay nya? Tama. Tutal di naman ako pupunta sa office bukas. Bahala din yun sa buhay nya.



May pamasahe pa naman ako papunta sa bahay ni benjie. Kaya makakapunta pako. Kaso wala na nga palang jeep. Haist! Mag lalakad na naman ako? Umpisahan mo na ito chesk! Kasalanan mo din naman kung bakit sya umalis. Pinag hintay mo na naman sya sa wala. Kaya dapat akong mag paraya. Hay naku naman. Buhay haist!











Someone's Pov





Nandito ako ngayon sa seafood resto. Its 8:47 pm. At kaharap ko ngayon ang tao na di ko maisip na makakaharap ko ulit pag kalipas ng limang taon.





"May kailangan po ba kayo?" Tanong nya na para bang sinasabi nya na di nya ko kilala. Pero alam ko sa loob loob nya ay kanina nya pa ko pinatay.





"Wag tayong mag lokohan dito." Alam ko ang pakay mo. Gusto ko pa sanang idugtong. Kaso di ko na ginawa. Kung ano man ang binabalak nya ay dapat nang itigil yun. Di naman ako papayag na mapunta sa lahat, ang lahat ng pinag hirapan ko. At di ko rin hahayaan na makapasok itong taong 'to sakin.





"Are you scared?" Naka ngising sabi nya. Kahit na hindi sya pormang pang business man ay nakakatakot sya. Di nako mag tataka kung sya ang dating beast ng kumapanya nya. At di na yun mangyayari ngayon.





"Bakit ka pa ba bumalik?" Tanong ko sa kanya at nakita ko kung paano dumilim ang mukha nya na parang di na sya ang kaharap ko.






Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon