Chapter 12

200 6 0
                                    

Cheska's Pov


"Ok guys. Nandito ngayon ang bago nating CEO. Kaya mag ayos kayo ah." Sabi ng head manager namin.



"Kailan pa tayo nag karoon ng bagong CEO?" Tanong ko kay mylene.



"Hay naku besy. Masyado ka kasing busy sa trabaho mo. Pinag bili kasi ni boss ang kumpanya. Kaya yun. May bagong CEO na tayo." Sabi nya sakin.



"Ah ganon ba. Sinong bagong CEO natin?" Tanong ko sa kanya.



"Malay ko. Ngayon palang kasi pumunta eh." Sabi nya.



"Ok guys. Quiet. Nandito na si sir." Sabi nya at bumati naman ang mga kasama namin. Nasa likod kami kaya di namin masyadong makita.



"Nakikita mo ba?" Tanong ko kay mylene.


"Hindi eh. Pero pupunta dito yun." Sabi nya.


Nang mapansin na papunta na sya ay ngumiti ako. Baka naman sabihin nya na wala akong respeto.


Nag aabang ako na ngumiti pero nang makita ko sya ay biglang nawala ang ngiti ko.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaharap ko.



"Ms. Black. Rumespeto ka naman kay Mr. Azeal. Sya ang new CEO natin." Sabi ni head manager.


Si jaze ang bago naming CEO? Di naman ako papayag dun.



"Ma'am. I resigned. Ayokong makatrabaho ang maduduming tao." Sabi ko at inayos ang gamit ko.



"Miss. Di mo yata alam na kailangan mo ng resignation letter?" Sabi nya at tinignan ako ng seryoso.



"Edi gagawa ako!" Naiinis na sabi ko. Nakakainis kasi sya. At ayoko syang makatrabaho.



"After 2 weeks pa yun mag kakaroon ng bisa." Sabi nya ulit.



"Mas okay na yun. At least makakaalis ako dito kesa naman makatrabaho kita." Sabi ko at umalis na sa harap nya. Ayoko syang makita. Baka masampal ko lang yun.



Nang makaalis ako sa loob ng kumpanya ay tsaka lang ako napanatag. I guess, mag hahanap ako ng bagong trabaho.






Someone's Pov



"Anak? Kailan ka ba kasi uuwi?" Tanong ni mom sa kabilang linya.



"Ma? Di pako babalik dyan. May gusto pa kong makuha." Ang oo nya.



"Ano ba kasi yun anak? Gusto na kitang makasama eh." Nag tatampong sabi nya. Haist. Kahit naman gusto ko syang makasama ay hindi pwede. Gusto ko pang makasama ang babaeng gusto ko. Minsan na nga lang ako mag kagusto hahayaan ko pa bang makawala?




"Don't worry mom. Uuwi din ako. At sa pag uwi ko ay isasama ko sya." Sabi ko kay mom.




"Sinong sya? May girlfriend kana ba anak?" Tanong nya kaya natawa ako. Sana.




"Malapit na mom. At pag uwi ko good news agad ang sasalubong ko sayo." Sabi ko.



"Then uuwi kami ng papa mo dyan. Gusto namin syang makilala. Excited nakong makilala ang daughter in law ko." Sabi nya.


"Mom. Soon. Ok lang din kasin kung umuwi kayo." Sabi ko at pinakain ang agala ko. Gutom na kasi.




"Blake anak. Next week nandyan na kami. Miss na kita at gusto kong makadinner ang girlfriend mo. Yayain mo ah." Sabi nya.




"Yes mom. I will. Bye. Love you mom." Sabi ko at pinatay na ang tawag.




I guess dapat na kong mag pakilala sa kanya. Wala din namang mangyayari kung di ako mag papakilala. Baka di nya din ako magustuhan pag di nya ko kilala ng lubusan.







Cheska's Pov



Nasaan na ba si benjie? Sana naman dumating sya. Gusto kong kumain para mawala ang init ng ulo ko. Siguro naman sa ginawa kong pag walk out ay ipa-fire na nya ko. Isesent ko nalang sa email ang resignation letter ko. Sasabihin ko naman na ayoko syang makatrabaho. Mag papakatotoo nalang ako.




Mag hahanap nalang ako ng bagong pag ta-trabauhan ko.



"Hiring new secretary of Montero Company." Basa ko sa nakapaskil sa poste. Kaso nakakahinayang kasi last month pa to ayon sa date na nakalagay. Naku. Baka may nakuha na sila. Pero mag babakasakali ako. Kahit anong pusisyon nalang.




Buti nalang at meron pa kong resume sa bahay. Ginawa ko talaga yun incase na di ako matanggap sa pinag tatrabauhan ko. Mahirap kasi ang mag hanap ng trabaho ngayon.




Kinuha ko ang papel na nakapaskil sa poste. Kakailanganin ko ito.



"Uy. Chesk? Anong ginagawa mo dito?" Dining kong boses sa likod.



"Benjie!" Sigaw ko at niyakap agad sya.



"Buti nandito ka. Nai-stress kasi ako. Pls kain tayo. Para naman mawala ang init ng ulo ko." Sabi ko sa kanya.




"Ah sge. Mamaya na kita tatanungin ng problema mo. Tara. May nakita akong ice cream parlor dito sa malapit. Doon nalang tayo." Sabi nya na nakapag paning-ning ng mata ko. Sakto at ice cream. My best comfort food.



"Oh ano pang ginagawa natin? Tara na." Sabi ko at kumapit sa braso nya ta hinila sya.




"Hindi dyan chesk. Sa kabilang daan yun." Natatawang sabi nya kaya bumalik kami. Ako kasi ang nag hihila sa kanya. Ang tamad nato nag pahila pa.





"Bakit di mo kasi ituro no. Di ko alam yun. Ikaw kaya ang may alam. Bilis na. Lead mo na ang daan." Sabi ko at tinulak sya papuntang harap pero tinatawanan nya lang ako.




"Sge. Dahil may problema ka libre ko. May nakuha akong 500. Tira ko sa pag benta ng drawing ko." Sabi nya.





"Wag na. Nakakahiya. Ako nalang." Sabi ko. Pinag hirapan nya ang kanyang drawing at pag benta. Ayoko naman na umabuso. Tsaka ako ang may trabaho. Sya ay wala. Kaya dapat ako ang gumastos.



Sinabi ko bang may trabaho ako? Wala na din pala.



"Tara na. Dapat masarap ang ice cream na yan ah. Pag hindi, lumipat tayo." Sabi ko sa kanya.




"Wag kang mag alala. Nasubukan ko na ang ice cream dun. At alam kong magugustuhan mo yun. Bagay kasi yun sa mga broken hearted." Sabi nya at ambang na susuntukin ko sya ay umiwas sya.



"Di ako broken no!" Sigaw ko at nag patiuna. Nakakainis sya. Binubusit pa ko eh alam naman nyang may problema ako.





-XM

Beauty In Between (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon