Cheska's Pov
"Natanggap mo na ba ang pinadala ko?" Dinig kong sabi sa kabilang linya.
Kilala ko ang boses na ito. So sya ang nag padala ng libro? Pero bakit?
"Bakit po ba ito pinadala? Ang kapal ng mukha mo pag katapos mo kong paniwalain! Tapos mag bibigay ka nang ganito?" Naiinis na sabi ko. Ang lakas ng loob nya.
"Please. Just let me explain, okay? Please hear me out first. Ayoko ng matapos lang tayo sa ganito." Sabi nya. Pero napataas ako ng kilay dahil don. Tayo? May ganon ba?
"Walang tayo in the first place." Malamig na sabi ko. Kasi kahit kailan di ko naisip na magiging kami.
"Merong tayo! At di ako papayag na mag break tayo. Di ko din tatanggapin ang resignation letter mo." Sabi nya kaya lalo akong nainis.
"Jake azeal. Di ako nakikipag biruan sayo. Kung pwede lang tanggalin ang singsing dito sa book eh kanina ko pa ito tinapon. Ayoko naman itapon ang book kasi mas mahalaga ito kesa sa nag padala. Wag kang tumawag kasi di tayo okay. Ay wala nga pala tayo. Bye!" Sabi ko sabay baba ng phone. Haist! Nakakainis sya. As if naman papasakal ako sa kanya. Never.
Makatulog na nga lang...
"TAO PO?" Dinig kong sabi sa labas. Napatingin ako sa relo na nasa tabi ng kama ko. Its 6:07 am. Ang aga palang may padala na naman? Pero bakit babae ang boses? Pinalitan na yung nag dedeliver?
Agad akong nag ayos ng sarili at lumabas para makita yung tumatawag.
Nakita ko na isa itong babae. Base sa damit at alahas nya ay mayaman ito. Pero mukhang mabait. At base din sa itsura ay bata pa ito? Wait? Bata pa ba ito?
"Hehe." Nasabi ko nalang. Di ko napansin na tinititigan ko na sya. Ngumiti naman sya.
"Ako ang nanay ni blake." Sabi nya. At nagulat naman ako. Totoo? Pero di sya mukhang matatanda.
"A-ah. Ga-ganon po ba? Pa-pasok po k-kayo." Sabi ko. Sh*t! Bakit ko papapasukin eh may kasalanan yung anak nya?
Agad kaming dumeretso sa dinning at pinaupo ko muna sya habang nag hahanda ako ng makakain. Ano kayang gusto nya? Baka pag nag luto ako di nya magustuhan?
"Nag punta ako dito oara kausapin ka, iha." Sabi nya. Kaya napaharap ako sa kanya.
"Tungkol saan po ba yan?" Tanong ko sa kanya. Kahit alam ko na tungkol sa anak nya ang sasabihin nya.
"Kay Blake. I just want to say sorry of my behalf of my son. Kasi nag sinungaling pa sya sayo. But he has a reason kaya nya ginawa yun. Don't hate him, iha. Mahal ka ng anak ko." Sabi nya sakin. Alam ko naman na sincere sya sa sinasabi nya pero di ko maintindihan.
"Mahal?" Tanong ko. Paano mangyayari yun? Eh wala akong ibang ginawa kundi ang pag hintayin sya na darating ako kahit di naman talaga? Bakit mamahin nya ako kung wala akong ginawa para magustuhan nya.
"Oo, iha. Maniwala ka. Mahal ka nya. Gustong gusto na nyang umamin sayo matagal na. Pero di nya magawa kasi natatakot sya na baka magalit ka. Which is nangyari nga nung isang gabi. Alam mo naman na nag sisinungaling ang tao dahil may dahilan sya. Mabigat man o hindi. Kaya sana iha ay pakinggan mo muna ang dahilan nya bago ka magalit. Di naman sya gumawa ng hakbang na napahamak ka diba?" Sabi nya ng malumanay. Di ko tuloy magawang magalit kasi ang hinhin nyang magsalita. Nakakahiya naman kung mag iingay ako. At di deserve nang ginang na ito ang sigawan dahil mabait syang tao.
Dapat ko nga bang pakinggan si blake? Sabagay, ako din naman nag sinungaling. At di maalis sa tao ang mag karoon ng kahit na anong kasalanan. At tama sya. Papakinggan ko muna at nasa sa akin na kung papatawarin ko o hindi.
May karapatan ba kong tumanggi pag may nag so-sorry?
"Opo. Susubukan ko pong kausapin sya pag naka pag isip na po ako. Pangako po iyan." Sabi ko sa kanya. Napangiti naman sya sa sinabi ko. Kaya talagang magi-guilty ako pag di ko tinupad iyon.
"Maraming salamat, iha. Hihintayin ko yan. At sana mapatawad mo sya. At iha, di masamang tao ang anak ko. Masama lang sya sa taong masama din ang ugami pag dating sa kanya." Sabi nya kaya napatango ako. Siguro may kaaway din si blake. At di maipag kakaila iyon. Wala naman kasing tao na walang kaaway eh. Laging may maiinggit sa isang tao kahit wala naman dapat ika-inggit.
"May nangyari po ba dati?" Lakas na loob na tanong ko. Dapat kong malaman. Para kung sakaling mag usap kami ay may alam nako tungkol sa kanya.
"Oo, five years ago. Sa kumpanya na binuo nya." Sabi nya na may malungkot na mukha. At naawa ako dahil parang ang bigat nga ng nangyari nung araw na yun. Yun din ang sinabi ni blake na nawala ang lahat ng pinag hirapan nya.
"Maaari ko po bang malaman?" Tanong ko sa kanya. Nag babakasali na sabihin nya.
"Hindi dapat ako ang mag sabi nito, iha." Sabi nya.
"Please po. Gusto ko pong malaman." Seryosong sabi ko. Kaya napabugtong hininga nalang sya..
"Oh sge." Sabi nya at nag simula na syang mag kwento.
------------------------------
BINABASA MO ANG
Beauty In Between (COMPLETE)
Short Story"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-vi...