Chapter 2: School

1.6K 43 3
                                    

Nagkakagulo ang buong school dahil nanalo nanaman sa dance competitions ang 'YOLO'. Ang dance troup ng school, kung saan kabilang si Eser. Naglakad lang ako kung saan sila nag c-celebrate. Kumpol kumpol sila doon at hindi ko kayang makisingit dahil nga hindi ako makahinga sa mga ganun lugar. Claustrophobic ako eh.

"Hindi ka ba makiki celebrate sakanila?" mababa pero cool na boses ang narinig ko, naglakad lang ako dahil nakakahiya namang tumambay pa sa gitna ng mga taong nag-uusap. "Huy." napalingon ako at napasigaw ng mahina nang may humawak sa balikat ko. 

"Ahy sorry.He-he." napakamot siya ng ulo at ako naman eh nakatitig lang sakanya.

"You can see me?" sabi ko pero napakunot siya ng noo at napatawa. Medyo natangahan din ako sa tanong ko kaya hiyang hiya akong tumingin sakanya. 

"Bakit? Multo ko ba? " tumawa pa siya uli.  "Anong klaseng tanong yan miss?" hindi bago ang mukha niya pero minsan minsan ko lang siyang nakikita sa school. Paatras akong lumayo sakanya. 

"Bye." parang may malaking question mark sa mukha niya nang tumakbo ako paatras palayo sakanya. 

"Hoy! Yung ballpen mong panda!" sigaw niya. Wala na akong pakialam sa ballpen kong panda at kumaripas na ako ng takbo papunta sa classroom. Kaso, walang tao dahil nga nakikicelebrate sila sa multi purpose hall. 

"Nasaan nanaman ba ang mga studyante?! Sagabal talaga yang dance troup nayan eh. Haynako. oh, may estudyante pala ako. Good Morning Ms. Abanza."

 

"G-good morning ma'am." tumayo pa ako. 

"Oh? So anong gusto mong pag-aralan natin ngayon? Tuwang tuwa ang buong faculty doon sa YOLO eh. Tataas kasi mga sweldo namin. Ang cute diba? tsk tsk. " hindi ako sumagot. 

"Lapit ka nga rito at para naman hindi tayo mukhang magkaaway." tumayo ako at dahan dahang lumapit sakanya at umupo sa front row. "Bakit ang tahimik mo?" hindi padin ako sumagot at nagkibit balikat nalang ako. 

"Okay lang, sige lang. Magsalita ka lang Jane." nakangiti siyang naghihintay ng sagot ko. 

"H-he-he-he." peke kong tawa. "Ma'am hindi po kasi ako mahilig magsalita."

 

"Pansin ko nga. Pero dapat i overcome mo yan, maganda pa naman speaking voice mo. Tsaka matalino ka naman at matataas ang grades mo sa exams at quizzes pero sa participation eh wala na." hindi ako sumagot o nagsalita. "May mga kaibigan ka ba?" umiling ako. 

"Bakit? Bakit wala kang kaibigan?"

 

"Tingin po kasi nila weird ako."

 

"Kasi nga ang tahimik mo at para kang papatay ng tao kapag lumalapit sila sayo. Alam mo, dapat magkaroon ka na ng kaibigan. "

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon