Chapter 12: Teenager

1.1K 29 2
                                    

'Good Morning :) Have a nice day, see you at school.' Mga limang minuto ko na itong tinititigan, tinetext ako ni Eser?! Bumangon ako at inilabas ang school uniform ko, tinitigan ang itsura ko sa salamin at sinubukang ngumiti.

Mukha akong nakakatakot na ex convict, na kahit anong pilit na iayos ang ngiti eh nakakatakot padin.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Ayla, naghahanda na siya ng mga accesory na isusuot para ngayong araw. "Oh? Anong kailangan mo?"

"Pwede mo ba akong ayusan?" Tumaas ang kilay niya at ngumiti.

"Aw, ilang taon kong hinintay na sabihin mo sa akin yan." Dalawang taon ang gap namin ni Ayla at halatang mas fashionista siya. "Maligo ka muna, bumalik ka dito mamaya."

Bumalik ako sa kwarto ko at naligo na, hindi ko ba alam, araw-araw naman kaming nagkikita ni Eser pero ngayon ko lang naisipang mag-ayos.

"Upo." Sinabi ko na simple lang na kahit naka ponytail, may Home Economics subject sila kaya may kaunti siyang alam sa hair styling. Nilagyan niya ng malalaking kulot ang buhok ko at itinali iyon ng ponytail. "Gosh, you're so beautiful!"

"Huwag kang nambobola, alam kong may kapalit to, anong kailangan mo?"

"Pahiram ng damit. He-he. " Bilang kabayaran, pinapasok ko siya sa kwarto ko at hinayaang namili ng mga damit na binili sa akin pero hindi ko pa ginagamit. "Thanks ate! But seriously, you're prettier when you know how to fix yourself." Tuluyan na siyang umalis ay nagpalit na ako ng uniform.

Sabay kaming bumaba ni Ayla. "Wow! Finally! Babae na babae na ang dalawa kong anak!" pabirong sabi ni papa.

"Wow, kumpleto tayo ngayon ah!" sabi naman ni mama. Kumpleto? Nandito si kuya? Naghanap ang mga mata ko at nakita ko si kuya na maantok antok na nakaharap sa mesa, kagagaling niya ng Maynila, isang linggo silang walang pasok dahil 100th year anniversary na school nila kaya bakasyon.

"Oh, musta? May boyfriend ka na ba?" Iyon agad ang binitawang tanong ni kuya pagkaupo ko palang sa harap ng mesa. "Paabot ng kanin." Iniabot ko ang kanina at ngumiti lang siya.

"Wala akong boyfriend." sagot ko lang.

"Noong umuwi ako dito nung pasko eh mukha kang tibo, pero ngayon, anong milagro ang nangyari?"

"Nako, tigilan mo na yang kapatid mo Adam, hindi ba mas naging kamukha ko na siya?" lumapit sa akin si mama at niyakap ako. "Mabuti at alam mo nang mag-ayos ng sarili. " Ngayon ko narealize kung gaano kabaduy sa tingin nila ang mga sinusuot ko noon. And by noon, I mean just yesterday.

"Kasi ma, lumapit sakanya kahapon 'yong crush niyang si Eser!" sinipa ko yung paa ni Ayla "Aray! Ma oh!"

"Okay lang ang crush, pero 'wag munang boyfriend-boyfriend ha, mga bata pa kayo at dapat nag-aaral pa."

"Ma naman, sa panahon ngayon eh elementary palang may boyfriend na." Napatawa kami.

"Okay sige, hindi ko at ng mama ninyo, kayo pipigilan sa mga ganyan ganyan, pero, kailangang bago pumasok diyan ay makilala namin ang mga nanliligaw sainyo, gusto niyo man o hindi. Kami ang magsasabi kung papayagan namin kayo. at kung ano man ang magiging desisyon, respetuhin ninyo yon. Okay?" tumango kaming dalawa ni Ayla. "Pati ikaw Adam."

"Dad naman, walang manliligaw sa'ken!" Lalo pang napalakas ang tawa namin. "May girlfriend na ako papa, huli ka nanaman sa balita." sumubo si kuya habang tumatawa kaya medyo nabilaukan siya.

"Alam ko, siya nga pala, speaking of your girlfriend, nakausap ko yung papa niya sa phonecall kaninang umaga lang."

"Ano raw sabi?"

"Uuwi raw ang buong pamilya the week after next week. Tsaka, dito sila sa Baguio dederetso, eh iniisip ko, may pasok ka na noon."

"Hindi pa nabanggit sa akin ni Carrie 'yan 'pa."

"Oo, kasi kakapasya lang nila, bahala ka na kung anong magiging plano mo."

"Aww kuya, baka hindi kayo magkita ni Ate Carrie."

"Huwag kang maingay diyan, gagawa ako ng paraan." Ngumisi si kuya at itinuloy ang pagkain. Tarantadong sweet ang tawag ko dito, lagi niyang pinagt-tripan si Ate Carrie tapos sosorpresahin sa huli. "Ako na pala ang maghahatid sainyo sa school, na miss ko kayo eh."

"Wuuu- na miss daw, gusto mo lang pumunta doon eh."

"Siyempre iyon din, matagal na akong hindi nakakapunta sa alma mater ko." ngumiti ulit siya at tumayo na, nagpalit at hinatid na kami sa school. Popular din siya na Section A noon katulad ni Ayla. Dito sa school, sarili mong pangalan ang katuwang mo. Walang kaso kung sikat ang mga kapatid mo, kung hindi ka sikat, wala silang pakialam sayo. Parang ako, parang si Eroll.

Lumabas ako kaagad para walang makapansin na doon ako galing, mamaya eh lalabas na si kuya at pagkakaguluhan na siya. Naabutan naman siya ng ilang batch kaya kilala padin siya dito. Malapait na ako sa main campus nang narinig na namin ni Ayla ang tilian.

"Heto na nga ba." naghiwalay kami at pumunta na sa sariling classroom. May ilang tao na pero karamihan eh tumakbo pabababa dahil kay kuya. Meh. umupo uli ako sa likuran at nandoon na si Eroll, naglalaro sa phone niya, nakita niya ako at itinago niya kaagad.

"Nakita mo yung alumnus sa baba?"tanong niya. Ibinaba ko ang mga gamit ko.

"Si Sir Adam 'yon diba? " Tama ba ang pagkadinig ko?

"Sir? Bakit sir? "

"Sa totoo lang, siya lang ang section A na idol ko. Talented pero humble, tinuruan niya kaya akong magbasketball."

"Natuto ka naman ba?"

"Slight. Pero astig 'yon, Political Science daw ang kuro non sa Maynila."

"Oo," inaayos ko ang mga papel sa filecase ko nang binalibag niya iyon at naipit ang kamay ko . "Aray naman."

"Ay sorry, halika tignan natin."

"Ayoko , ikaw nalang." Sa huli eh sumama ako sakanya dahil kinuha niya ang assignment ko at tatangkain niyang punitin iyon kung hindi ako sasama. Nandoon kami sa bandang likuran.

"Ang pogi niya talaga! Mas pumogi siya lalo! OMG!" Sigaw nung classmate ko. Sabay hampas at patalon-talon pa habang pinapanuod ang mga nagpapapicture kay kuya.

"Oh tapos ka na bang tignan siya? Para kang bakla diyan."

"Hoy, hindi ako papayag na tawagin mo akong bakla. Iba ako kapag may idol ako, fan talaga ako, pero siyempre manly padin. " At nag explain pa siya. "Tsaka, maganda ka nga pala ngayon, kakapansin ko lang, ngayon ka lang nag pony tail sa school. " Namula ata ako.

"Napansin mo?!"

"Oo, noong pumasok ka nga, halos tumingin sa'yo yung mga classmate natin, pero halos lang naman." tumawa siya. "Teka, alam mo bang darating si Adam ngayon kaya ka nag ayos?"

"Hinde. Kuya ko yan."

"Siyempre, mas matanda naman talaga siya sa ating lahat."

"Ang ibig kong sabihin, kapatid ko siya, remember, Adamniel Abanza? Tapos ako naman si Jane Abanza? Ano kayang similarity nun? Isipin mo nga?" Naglakad na ako pabalik sa classroom.

"Ay tange, bakit hindi mo nanaman sinabi?! Takte, hindi mo ba nar-realize kung gaano ka AWESOME ang pamilya mo?" OO, ramdam ko 'yon pero hindi dahil may Pugad Baboy si Mama at lalong hindi dahil ma appeal at sikat na taga Section A si kuya.

Awesome ang pamilya namin dahil awesome ang pagpapalaki sa amin nila mama at papa.

"Teka, diba, akala ko, hindi mo na ako papansin pagkatapos kahapon?"Paalala ko sakanya.

"Ah, oo nga pala. Huwag kang mag-aalala, hindi na dahil may pinagtutuunan na ako ng pansin ngayon."

"Weh? Sino?"

"Si Bonnet SInger, hahanapin ko kung sino siya, kung anong pangalan niya at bakit siya nagtatago."

"Okay." Iniwan ko siya at hindi na siya sumunod. You want to know who bonnet singer is? Then good luck on finding out who she is.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon