Chapter 1: Crusher

2.3K 42 4
                                    

"Ano ba naman kayo?! Lumabas lang ako saglit nakabasag na kayo ng bintana?!" halos mamaos na si Ma'am Alang sa kakasigaw at kakaulit ng kasalanan ng mga kaklase kong lalake. "Hindi ko pipirmahan clearance niyo kung hindi niyo yan papalitan."

 

"Yes ma'am." sabi nila sabay hagikgik. Boys.

"Oh eh natapos niyo na ba yang ginagawa niyo?" Ma'am Alice is my favorite Teacher. There's something about her na nakakagaan ng loob. "Grabe ha! Common na yung sanaysay na tungkol sa kung anong ginawa niyo sa Christmas Break! Jusko naman." siya ang unang teacher na kinausap ko na hindi tungkol sa studies. Tinanong ko siya noon kung anong opinyon niya sa pork barrel at tumawa lang siya at sinabing 'Marami akong gustong sabihin pero maraming mura, at hindi iyon magandang sabihin sa harapan ng estudyante iha.' sabay ngiti. I think, she's too cool. 

 And isa pang rason, siya lang ang nakakapansin sa akin. Sa Limampung studyante sa classroom eh dalawa o tatlo lang ang nakausap ko, I'm like a wallflower y'know. 

"Oh miss Abanza, tapos mo na?" nagsitinginan lahat ng tao sa akin na parang nagtaka sila na may Miss Abanza pala sa classroom nila. Tumango lang ako at bumalik na ang lahat sa dati, yung walang nakakakilala sa akin. 

Sa bahay, I'm more popular of course, coz it's just me, my younger sister, my almost vampire older brother,  my mom and my dad.

"Ate, pakigitara nga yung Dance With my father. Kailangan na namin bukas, wala internet." utos sa akin ng nakababata kong kapatid, psh.

"Haynako Ayla, may project ako."

 

"Sige na 'te, papapanuod ko sa classmate ko." nagpuppy eyes siya, bigla akong namula, naramdaman ko yun. 

"I-papapanuod? Huy, wag na."

 

"Sige na, kailangan namin para sa presentation ." sabi niya. 

"Eh di yung chords nalang ang ibigay mo." at matapos ang ilan pang argumento ay napapayag niya din ako sa gusto niyo. Dahil sa magic words na 'Sasabihin kita kay mama!'

Turo kasi sa amin ni mama, share your blessings. And blessings mean talents, food, thoughts and the likes. So para hindi narin matalakan, nakita ko ang sarili kong nasa harapan ng phone camera na naka Baguio City bonnet, sunglasses at nose mask. 

"Ang corny mo naman."

 

"Kapag hindi ko to gagawin palpak ang kalalabasan." sabi ko at hindi na siya nagsalita. Naggitara ako at kinanta ang dance with my father. Muntikan na akong matawa dahil nag f-funny face pa si Ayla sa harapan pero napgilian ko naman. 

"Hindi naman niya titignan yung mukha mo, kung paano mo lang iplay yung piece tsaka yung kanta."

 

"Kung may nagtanong kung sino yan sabihin mo na nakita mo lang sa internet at hindi mo kilala yan." 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon