Chapter 37: Goodbye?

740 19 2
                                    

NEWS! KONTING KONTING CHAPTERS NALANG AT MATATAPOS NA ANG FIRST BOOK NG "THE BONNET SINGER". THANK YOU ALL FOR READING!

"Pupunta ka ba sa Pasiklaban?" Ang Pasiklaban ay isang event sa UP Baguio na sinasabi nilang isa sa pinakamasayang event na nangyayari taon-taon upang i-end ang taon, at para ngayon, i end ang isang sem. "Masaya raw dun! Mag-perform yung mga profs natin!" 

"Pass muna ako pre, mahirap magsaya ngayon eh." Ngumiti ako ng pilit at tumango siya. 

"Sige pre, ipagdadasal ko nalang kayo ng girlfriend mo." Binatukan ko siya.

"Gago hindi ko siya girlfriend, pero sana." Tumawa siya at tuluyan nang umalis. Dumaan ako sa catwalk at napagdesisyonan kong pumuntang SM para bumili ng teddy bear. Ihahanda ko na yung regalo ko para kay Jane, para kung magising siya eh mas gagaling siya lalo. 

"Ano pong size sir?" Tumingin ako at itinuro ko yung 2 sizes smaller dun sa pinakamalaking bear, perfect . "Sige po sir, it may take a while." Tumango lang ako at lumabas ng shop at pumunta sa veranda. Dumampi sa akin ang malamig na hangin ng Baguio na baka ngayon na ang huling pagkakataon ko na malanghap yun ng ganoon katagal. Pumasok ako uli sa shop at binayaran ang teddy bear. 

Medyo malaki ang hawak ko kaya tinitignan ako ng mga tao. "Ang swerte naman nung GF niya." Napangiti lang ako at sumakay ng taxi pauwi. Laking gulat ko nalang nang nandoon sa bahay si Tita Agnes.

"Start packing." sabi niya sa seryosong boses habang dinadaan niya yung mga daliri niya sa picture frames namin. "May emergency na kailangang nandoon na ako within four days, you have to start packing para sa makalawa aalis na tayo." 

"Wait, akala ko ba in two weeks pa? Tsaka papaano yung mga requirements?"

"Let me take care of that, pwede namang ipadala nalang doon. Ako na ang mag-aasikaso sa lahat, ang gagawin mo lang eh mag pack, bring everything you want because you can't come back here for several years, maybe a decade."

"Hindi mo ako papauwiin sa Pilipinas?" tanong ko, humarap siya sa akin at umupo sa sofa.

"Of course not, wala ka naman nang pamilya dito. All your relatives are all living abroad. Wala ka ring oras pumunta dito kasi magiging busy ka."

"But what if I wan to visit the Philippines?

"Do that after you graduate. Is it by chance that girl, Jane, the reason why you want to come back?" Tumahimik lang ako. "Ah, yes. Look, you're both still young. Kung tatanungin mo siya, kung talagang kaibigan ka niya, mas gugustuhin ka niyang mag-aral sa ibang bansa para mas maging successful ka. "

"Hindi ba talaga ako pwedeng dumalaw dito?"

"It's not that easy." Tumango lang ako, ayoko nang pahabain yung usapan kasi alam kong mapupunta din yon sa susumbatan niya ako na siya ang dahilan kung bakit may puso si Jane. I understand, I understand. I just have to do my best to explain to her what's going to happen. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon