Chapter 22: Show

1K 31 3
                                    

Grabe, isang linggo akong di nagupdate! XD At baka isang linggo muli ako hindi mag u-update simula ngayon. Nag a-adjust pa po ako sa buhay kolehiyo at sana maintindihan ninyo iyon. :)

------

Ngayon na ang unang araw ko sa part time job ko. Si Ate Dina, o Dina Batina ang DJ name sa ZRE radio. 

"Good morning Good morning good morning, Luzon Visayas Mindanao Philippines and the rest of the world. I am Dj Dina Batina ang maghahatid sainyo ng bonggang Sabadong saya! And here with me The bonnet singer!" Huminga ako ng malalim at bumati. 

"Hello hello hello! I am Dj Bonnie always ready to sing for you, anytime, anywhere, everywhere, everyday, okay! Yeah!" Ilang gabi ko itong pinraktis. Sa ilang linggong pagtuturo nila sa akin kung paano ilabas ang boses ko sa radyo ay natuto naman ako. Ibang iba ang tono ng boses ko noon sa boses na ipinaparinig ko sa radyo.Walang mag-aakalang ako ito. 

"Siyempre siyempre siyempre naman, bilang unang beses naming maeere sa radyo ay gusto namin pasalamatan ang ZRE radio, hindi ba partner?"

"Yes naman!" Sabay sound effects na may pumapalakpak.

"Sana ay mahalin niyo din kami katulad ng iba pang DJs dito sa ZRE! "

"At siyempre, mamahalin din naman namin kayo ng bonngang bongga!" Sabi ko naman.

"Okay guys, heto naman na, siguro'y naiinggit kayo sa akin dahil kasama ko ngayon ang bonnet singer! Reaksyon at mensahe o pabati? Text na sa 3456 o kaya magmessage lang sa facebook page namin, Tambalang kantahan dito lang sa ZRE radio, kantahan na!" At pinatugtog namin ang kantang Diwata ng Parokya at ni Abra.

"Nice nice!" Nagsipalakpakan ang nasa studio. Four hours kami na nandoon sa studio at siyempre nandoon din ang nurse ko na laging chinecheck ang paghinga ko.

"Jane, Tingnan mo 'tong mga texts at comments. Hindi sila naniniwalang ikaw si bonnet singer, kantahan mo nga." Sabi ni Ate Dina. 

"Sure, yung Dance with my Father nalang po." 

Ilang kanta pa ang pinatugtog at bumalik na kami sa ere. 

"Maulang umaga uli guuuuuuuyz!" Bati ni ate Dina.

"Nakakaloka sa labas, lamig to the bones!" 

"Kaya nga partner, pero mas naloka ako sa mga listeners natin. Aba aba aba! Hindi sila naniniwala na ikaw nga si bonnet singer, DJ Bonnie, sampolan mo nga kami para ipakita natin sakanila. "

"Naman!" Kahit wala nang instrumental, kumanta nalang ako. "Back when I as a child, before life removed all the innocence~ " Hanggang unang chorus lang ako at tadtad na messages at comments ang natatanggap namin. 

Sheeeet! Siya nga! OMG! Susugod na ako ngayon sa ZRE station!

Weh?! Asan kayo? Nandito ako sa ZRE station sa Quezon City, wala naman kayo!

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon