Chapter 31: The visit

684 20 3
                                    

"Badtrip panda girl! Nakakabobo doon! Hindi na nga ako ganoon katalino noong highschool lalo ko pang naramdaman na ang bobo ko.", ang pagkukuwento ni Eroll tungkol sa unang dalawang buwan niya sa kolehiyo. 

"Grabe ka naman, first sem palang yan, makakabawi ka din! May tatlong buwan ka pa."

"Yun na nga! Tatlong buwan! TATLONG BUWAN. Parang isang taon yon panda girl."

"Tinatakot mo naman ako sa college eh!", tumawa kaming dalawa. 

"Hindi, okay naman, masaya naman doon pero kasi nakakabigla 'yong teaching style. Hindi na siya yung memorization and stuff. You really have to analayze everything! Nakita mo naman yung tambak na readings ko diba?!", namumuo na yung eyebags sa mga mata niya. 

"Ang pangit mo na!", sabi ko sabay tawa. 

"Wow, anong laban naman ng eyebags ko sa eyebags mo?", nagsitawanan ulit kami pinintasan niya pa ako dahil para raw akong uminom ng suka dahil sa pale ng lips ko. 

"Atleast maganda parin.", napatahimik siya at napangiti. 

"Oo naman." hindi ko maexplain kung anong klaseng titig 'yong binigay niya sa akin pero ang alam ko parang may rumble sa tiyan ko. Ginulo kami ng isang katok sa kwarto ko. 

"Hello kids. Anak, may bisita ka.", tinignan ko si mama na nakakunot ng noo. 

"Sino po?"

"Si Lenard." Ha? Si Lenard? Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?

"Bakit raw po siya nandito?"

"Kasama niya si Mr. Ariel, nagbakasyon lang raw sila rito. Ang sabi ko pababa ka na.", wow, pinayagan siyang magtravel? 

"Sige po ma, bababa na po ako, magbibihis lang.", isinara ni mama ang pinto at ipinaabot ko kay Eroll yung sweater ko. 

"Sino ba yon? Lalaki ba yon?"

"Kilala mo naman si Ariel yung gumanap dun sa Philippine Crimes diba?"

"Shet, si Ariel? As in Ariel Pascua? Nandito?!", tumango ako at isinuot ang sweatshirt. "Halika na! Bumaba na tayo! Tara na! Alalayan nakita!"

"Oo na! Grabe ikaw pa as excited sa akin eh ako naman ang pinuntahan dito."

"Kahit na. Teka nga, bakit ka ba pinuntahan dito?", hindi ko siya sinagot kasi nakatingin na sa amin lahat ng nasa baba at nakita ko narin si Lenard. Pagdating namin sa baba eh agad-agad akong niyakap ni Lenard. NIYAKAP. NIYAKAP SA HARAP NG PAPA NIYA AT MAMA KO.

"Pagpasensyahan mo na yung anak ko ha, medyo clingy. ", sabi ni Mr. Ariel, tumawa lang naman si mama. Hindi ba dapat magalit siya kasi niyayakap ako ng isang lalake?!

"Huyhuyhuy, ako nga pala si Eroll. MU ni Jane.", iniabot ni Eroll ang kamay niya pero hinampas ko siya ng mahina. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon