Chapter 25: Maling akala

962 28 1
                                    

Pagbaba namin sa van eh parang wala akong hanging malanghap, sabi ng doctor kay mama, magdala raw ng oxygen tank kasi iba ang nakasanayan kong hangin at temperatura sa Baguio at sa temperatura sa Pangasinan. Sa ayon, habang hindi pa nakakarating sa room at nahihirapan pa  akong huminga eh nakakabit sa akin yung oxygen tank. Feel ko tuloy ako si Hazel Grace dun sa  The Fault in our Stars, pero siyempre, echos lang yon. 

"Ang ganda naman dito.", sabi ni Eroll. Noon, iniisipko dun sa mga nababasa kong storya, ang weird siguro kung kaibigan mo lang nag-iisang lalaki, pero hindi naman pala. Okay lang, pero, siyempre may limitations padin. 

"Siyempre naman." ang sinagot ko lang habang hinahanap 'yung room namin, kasama namin si mama. 

"Oh heto Eroll yung susi, mamayang gabi eh susunod na diyan si Adam. " lumaki 'yong mata ni Eroll.

"Roommate ko po si kuya Adam?" 

"Okay lang ba sayo? O gusto mong mag solo ng room? Gusto ka raw niya kasing makilala ni Adam.", ang weird non, pagka gustong makilala kailangang roommates?!

"Hindi po, okay lang po." Ngumiti siya at halatang pinagpapawisan. "Sige Panda Girl, magpahinga ka na." tumango ako at pumasok sa kwarto kasama ni mama, may aircon kaya mas cool.

"Ma, anong oras ko pwedeng lumangoy?"

"Kapag alas tres ng hapon. "

"Ha?! Eh 10 palang ng umaga ah, ma naman, anong gagawin ko dito?" tumingin siya sa paligid at nadako ang paningin sa may balkonahe. 

"Dito, kaya ko kinuha yung room na may magandang view para ma enjoy mo kahit nandito ka lang sa loob, 'wag kang mag-alala nandito naman ako na kasama ka."

"Ma naman, pumunta ba tayo dito para magobserve ng dagat? Sana nanood nalang ako documentary kung ganoon."

"Huminga ka lang, maganda 'yan sa kalusugan." Tumayo ako at lumabas, oo nga, maganda ang view, breathtaking. Puting buhangin, asul na dagat at kayumangging mga katawan dahil sa sunburn. May kaunting shade sa parte ko kaya hindi ako masyadong naaarawan, iba na raw kasi ang araw ngayon, baka ma heat stroke ako. Yeah. 

Magandang mag observe, pero kung mag da-dalawang oras naman na eh masakit na sa mata dahil napapansin mo na lahat ng galaw ng mga tao. Yung batang umahon na naka diapers eh feeling ko jumebs, dahil naka tayo lang siya doon at nagc-concentrate ng matagal atsaka siya lumublob uli. Yung magsyota namang kanina pa naghaharutan eh nauwi sa tukaan, hindi man lang inisip na may batang jumejebs sa tabi nila. Tsk tsk. 

Nakaramdam na ako ng gutom matapos kong mapagtanto na mas mabuti pang pakainin ko nalang ang sarili ko. Paglingon ko eh nakahiga si mama sa kama at natutulog, noong madaling araw pa kasi siya gising kakamadali sa mga kailangang dalhin. Tumayo nalang ako at ako mismo ang bababa sa dining hall pero nag-iwan muna ako ng note.

Paglabas ko, nakasalubong ko si Eroll na humihikab at nakashorts na. 

"Oh? San ka pupunta?" tanong niya. 

"Sa baba, kakain. Ikaw?"

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon