Chapter 4: Casual

1.3K 33 1
                                    

Chapter 4

"OMG GUYS! Have you heard about the mysterious bonnet singer?" halos maputol ang hinahawakan kong lapis nang narinig ko iyon. Hindi ako mahilig mag eavesdrop pero...

"Yes! She's so good ! I was watching her video kanina pero it's kinda not clear. "

 

"Yes nga eh, and she's wearing those stuff pa. What's wrong kaya?" gumagawa na ako ng maliliit na tornado sa papel ko at napakaraming tumatakbo sa isip ko. Oh no.

"Wow. mukhang may matinding kalamidad sa isip mo ngayon ha." umupo sa tabi ko si Eroll habang tinitignan ang papel.

"Go away. "  sabi ko at itinago ang papel. "Wala ako sa mood na makinig sa nonsense section D stories mo."

 

"Ang sungit talaga. Oo nga pala, narinig mo na ba yung tungkol dun sa kumakalat na video sa internet?! Grabe!"

 

"Hindi naman siya magaling kumanta! " sigaw ko, nagtinginan sa akin ang mga tao sa classroom at nagbulungan.

"Anong kumantang sinasabi mo?  Yung  babaeng kumakain ng bubog ang sinasabi ko. Kumanta ba siya sa dulo? Di ko napanood, nandiri ako." nakakunot noo si Eroll at nakatitig sa akin.

"Ah, eh wala. Wala. " Inisip ko nalang na walang nagsasalita sa tabi ko habang ipinaglalaban niya ang third sex rights at ang kabobohan ng mga Pilipino sa pagboto ng mga government officials ngayon.  De, biro lang... kinukwento niya yung tungkol sa mga hilig niya.

"Ikaw? Anong hilig mo? Tuyo na laway ko dito."

 

"Isa lang ang hilig ko,  katahimikan."

 

"Boring ka talaga, wala lang akong choice eh."

 

"Madami kang choice. Ang dami nating classmates na nakatitig sayo pa kanina jan. Bakit hindi mo sakanila sabihin na mahilig kang manood ng barbie noong bata ka?"

 

"Ayun eh, nakikinig ka pala. Pero kung sasabihin ko sakanila yon, mag-iiba tingin nila sa akin. Ikaw, sa tingin ko hinde. "

 

"Sure ka?" tumango siya.

"Kasi, hindi kasing babaw ng pag-iisip nila ang pag-iisip mo, hindi ba?" nakangiti siya sa akin at naghihintay ng sagot.

"Buti alam mo. Pero, nanonood ka ng barbie nung bata ka?!"  nag drawing uli ako ng mga maliliit na tornado sa papel ko.

"Haish, hindi ako bakla." nagkibit balikat lang ako. "Bored ka siguro ano, sabi sa internet, kapag bored ka, gumagawa ka ng mga tornado.  Ang sarap ng pagkain nila sa canteen ano?" Ngayon lang ako naka encounter ng madaldal na lalake. Mahirap pala kung parang babae ang pagkadaldal nila.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon