Chapter 5

1.4K 35 2
                                    

"Isang video ang kumakalat sa youtube na nagpaantig sa puso ng maraming tao. Kinanta niya ang Dance with my father na umani ng mahigit isang daang libong views at libo libong comments. Heto ang video na iyon." sa TV News,  ipinakita nila ang unang parte ng cover. "Walang may alam kung sino ang mysteryosong babaeng ito. Kung ano ang pangalan niya, kung saan siya nakatira at kung anong itsura niya. Nagkakagulo na ang buong bansa dahil sakanya! Kilala mo ba kung sino ang babaeng ito?"

"Ah, parang pamilyar yung boses niya eh." sabi nung isang babaeng nainterview, hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita.

"OO, Kilala ko siya! Anak ko yan!" hinila naman nung ale yung anak niyang kumakain ng lollipop sa gilid. "Siya ang bonnet singer!"


"SIguro, parang." halos mapunta sa ibang daanan sa lalamunan ko yung kinakain kong kanin nang nakita ko kung sino ang nainterview, si Eroll. "Hinde, joke. Hello pala sa mga fans k-" Hindi na naituloy ang sinabi dahil na cut.

Good. Walang nakakakilala at naghihinala sa akin. Kaunting panahon lang at makakalimutan na ng mga tao ang bonnet singer, mawawala nalang siya ng parang bula sa mga isipan ng tao. 

"Lagot ka ate, magpakilala ka na kasi." hinampas ko yung binti niya. "Aray! Mama oh!"

"Sumbongera! Kasalanan mo to. "


"Dude, hindi ba magpasalamat ka sa akin kasi sumisikat ka na? Dapat nga kung magpapakita ka na ngayon eh bukas marami ng reporter sa labas ng bahay natin."


"A-ayokong maging sikat, ayoko sa mga tao."


"Kung kasing ganda lang ng boses mo yung boses ko, ako na ang nagpakilalang bonnet singer. Promise. Magkamukha naman tayo kaya, hmm. Bakit ba napupunta sa mga maling tao ang talent? Psh."


"Don't say those words. God gave those talents to people not because He think they're deserving but He chose those people to have those talents for His own greater purpose. Nasa saiyo nalang kung paano mo iyon gagamitin na naaayon sa turo ng Diyos. "


"Si ate, hindi niya ginagamit sa maayos, tignan mo ma, tinatago niya."


"Lubayan mo na nga yang ate mo anak. I know she's capable of finding out what would she gonna do with her talent." 


"Okay okay..." at nilipat ni Ayla yung channel sa Cartoon Network. 

Sa eskwelahan, pareho padin... kung hindi mga crush, mga artista, mga scientists (para sa mga geeks)  ang pinag-uusapan, yung tungkol kay bonnet singer. Hindi lalagpas ang isang araw na hindi sila makakabuo ng teorya sa kung anong itsura ni girl. Naala niyo ba yung matinding determinasayon nina Naruto, Sasuke at Sakura sa kung ano ang nasa likod ng mask ni Kakashi? Parang ganon sila kadeterminado. 

"I would hire a private investigator just to know who that girl is. Basta we know that she's from the Philippines and she's been in Baguio. "

"Pero what if someone just gave her the bonnet, right?"

"Yes but somehow she's connected here. Wait, what if she's in Baguio?! " lalong na excite ang mga classmate kong nag-uusap. "Mygosh. I have to tweet this!" inilabas niya ang phone niya at nagtweet siguro. Napa facepalm nalang ako at nag drawing uli ng maliliit na tornado sa papel. Ano ba sakanila kung malaman nila o hindi kung sino yun? Kikita ba sila? Hindi naman ah. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon