Chapter 20: Suspicion

995 26 4
                                    

Nagising na ako sa ospital, kakaiba pala ang feeling kapag dito ka nagising. Para akong nag camping at itong mga kasama ko sa ward ang campmates ko. 

Dumating si Ate Aira at sinabing pwede na raw akong umuwi. Tinexan ko si Aira na gumawa nalang siya ng lie kay Eroll kapag ibibigay niya 'yong flashdrive. 

"Sabihin mo na kaya sa mga kaibigan mo na may sakit ka."

 

"Ma, wala akong kaibigan."

 

"Si Eroll, at sabi mo sa akin si Eser." 

 

"Wala lang 'yong mga yun ma. "

 

"Mas maganda sana kung may kaibigan ka para sila nalang ang pagbabantayin ko sayo. Hindi ba?" 

 

"Ma, uwi nalang tayo." tumayo ako at naka wheelchair na hinatid papuntang sasakyan namin. Sa bahay naman eh todo asikaso si mama sa akin, iniabot naman ni manang 'yong phone ko na pinaiwan ni Ayla. Maraming missed calls mula kay kuya Adam. 

Tinawagan ko siya at mukhang hindi maganda ang tono ng boses niya. 

"Diba sabi ko kung may nangyari tawagan ninyo ako?! Bakit text lang? Sa tingin niyo ba hindi ako nag-aalala? Tapos hindi ninyo sinasagot mga texts at tawag ko sainyo!" sigaw niya kaya napilitan akong ilayo ang telepono sa tenga ko. 

"Kuya kalma, di naman malala."

 

"Kahit na, hindi tuloy ako nakapag concentrate sa pagrereview ko." Hindi ako nagsalita. 

"Sorry kung ganon."

 

"Jane, I'm sorry, talagang nag-aalala lang ako sa'yo eh." Kahit na minsan eh suplado at mapang asar si kuya, protective siya sa aming dalawa. Ganun naman siguro halos lahat ng mga kuya hindi ba? Pero over kasi talaga ang pagka protective niya sa amin eh. Sabi niya sa amin, noong maliliit pa raw kami eh muntikan na kaming masagasaan ni Ayla kasi hindi kami binantayan ni kuya ng maayos. Kaya ayan, kung gaano siya pabaya sa amin noon, triple pa ang pagka over protective niya sa amin ngayon. 

"Sorry din kuya, sige na, magpapahinga na ako. Do well on your exams okay?"

 

"Okay." Binaba ko ang phone at natulog na, papapikit na sana ako nang tumunog ang phone ko. Si Eroll, tumatawag. 

"BAKIT KA ABSENT?! GRABE, KULANG NALANG ALISIN KA NAMIN SA GRUPO. MAG EFFORT KA NAMAN HINDI PORKE PABORITO KA NG MGA TEACHERS EH!" sigaw niya.

"May sakit ako."

 

"May sakit ka nanaman?! "

 

"Oo."

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon