Chapter 11: The Ball, too.

1.1K 29 3
                                    

Busog na busog na kami at sa tingin ko'y nag b-blur na ang paningin ko, nahihilo ako, kumapit ko sa kung ano ang maaari kong makapitan. 

"Uy, ayos ka lang?" hinawakan ni Eroll ang dalawang braso ko at inalalayan ako sa pinakamalapit na upuan, parang naninikip dibdib ko. Ang hirap palang maging sobrang busog! "Uy, iuwi na kita gusto mo?"

 

"Wag pa, hindi ko pa natitikman lahat ng pagkain eh, tsaka okay na ako." tumango lang siya, inialis ko ang tingin ko sakanya at napunta sa harapan ko. Tama ba ang nakikita ko? Palapit ng palapit si Eser, anong gagawin ko, maayos ba ang itsura ko, may chocolate ba ako sa mukha? Nakita ko ang basong tubig sa mesa at ininom ko iyon kaagad, humarap ako sa mesa. Dito ba siya pupunta?

"Oh bro!" tumayo si Eroll. "Iniwan mo date mo?"

 

"Boring siya eh, inaantok na raw, kaya hinayaan ko nalang doon." nag apir sila ni Eroll at ako naman ay kabadong kabado dahil malapit nang maubos yung tubig. "Oh, hindi mo pa ako pinapakilala sa date mo. Sabi ni Cathy, girlfriend mo daw?" Date? What?! No!

 

"Ha! Hinde! Hindi ko siya girl- este hindi niya ako girlfriend!" sigaw ko, napatahimik sila saglit at napatawa.

"Ahh, Hello, I'm Eser and you are?"Hindi niya talaga ako nakikilala?

"I'm Jane, hindi mo ba ako nakikilala, classmate mo ako?" kumunot ang noo niya at ngumiti. 

"Ah, yes, Jane, parang narinig ko na nga iyon. Nag-aabsent ka pa palagi? Parang hindi kita masyadong nakikita ah." narinig ko ang pigil na tawa ni Eroll. 

"No, in fact, parati akong nasa klase, I'm Jane Abanza? The girl at the back?" ngumiti siya at napatango nalang. 

"I'm sorry, but hello, narealize ko tuloy na hindi ako masyadong naging sociable." tumawa kaming tatlo, halatang pilit at dulot ng 'awkwardness' "But anyway, nice meeting you and I'll look for you in class, Jane." Parang lumabas ang puso ko, parang tumatambling, parang may nagpaparty sa tiyan ko, kinikilig na ba talaga ako? 

"Y-yeah, m-me t-too." Kinindatan niya ako saka umalis. Nakatitig lang ako sakanya, parang slow motion. Sinira ni Eroll ang lahat nang isinara niya yung bunganga ko. 

"Wala raw crush kay Eser, eh mas malala pa yata yung pagkagusto mo sakanya kaysa sa ibang fangirls niya eh. " sabi ni Eser at tumawa ng malakas. Heto nanaman, wala na akong magagawa. 

"OO na, crush ko na siya. Ano? Lalaitin mo ako?" tumigil siya sa kakatawa. 

"Hindi naman, ibig sabihin, normal ka lang na babae dahil may crush ka din sakanya. Kaso nalungkot ako, " tumingi siya sa mata ko, may muta, seryoso, inaasar niya ako kahapon na may muta, tapos siya hindi niya kayang tanggalin sarili niyang muta?! "ibig sabihin, kahit sa mata mo eh mas attractive padin siya. "

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon