Chapter 9: Preparations

1.1K 30 1
                                    

Halos isang oras ko ding ginawa ang comic review, binasa ko iyon ulit atsaka itinago sa file case ko. Isang buong intermediate pad ang nagamit ko, siguro naman ay makukuntento na siya dito. 

"Hmm, okay. Okay, nice." Inilapag niya ang papel at tumingin sa akin. "Nabilib ako sa obserbasyon mo sa bawat karakter sa Pugad Baboy. At, yung pag kukumpara mo sa sarili mo kay Utoy-" Kailangan niya ba talagang ulitin kung anong nakasulat?!

"Okay stop. I don't need to hear your review about my review. I did it. Anong desisyon mo?" Kunwari ay tumingin siya sa itaas at nag-isip. 

"Okay, sige. Naaawa ako sa iyo eh. Ako nalang ang last hope mo at napakamakasarili ko naman kung hindi ko ibibigay yung sarili ko sayo." Yuck. 

"Whatever. " tumawa siya at umupo uli ako sa upuan ko.

Napakabilis ng panahon at bukas na at sa isang araw ay Ball na. Bukas ay walang pasok dahil bibigyan ng panahon ang mga estudyante para magkapaghanda. 

"Anak, sigurado ka bang alam mo kung anong isusuot mo?" Nag-aalalang tanong ni mama. Pang sampung tanong niya na ito simula nung ibinalita kong pupunta ako sa Ball, tuwang tuwa sila. 

"Ma, madami kang binili sa aking dress na hindi ko ginamit."

 

"Pero hindi gown. Pwede ko pang kausapin yung kilala kong designer." 

 

"Ma, wala ka bang tiwala sa akin?!" Inilabas ko ang white cocktail dress at proud na proud akong ngumiti pero hindi natutuwa ang mukha ni mama, sinabayan pa iyon ng pang-aasar na tawa ni Ayla. 

"Ate! Ano ka?! Section B?! Sa Section B ang dresses. GOWN sa atin, GOWN. Sabi na nga ba ma eh, hindi mo dapat pinagkatiwalaan si ate."

 

"May oras pa naman bukas. Isama mo nadin iyong escort mo para alam mo ang bagay. "

 

"Ma, hindi mahilig yunsa mga ganoon. "

 

"Hayaan mo at kakausapin ko." Bago pa ako maka angal eh may kinakalikot na si mama sa telepono niya. "Hello Eroll?" EROLL?! BAKIT MAY NUMBER SIYA NI EROLL?! "Sige, salamat, magkita nalang kayo doon sa Leila. Okay, bye."

 

"Si Eroll?!"

 

"Yes, tuwang tuwa nga ako doon sa batang iyon eh. Nakasalubong ko siya noong minsan sa school ninyo noong hinatid ko iyong props ni Ayla. Tinanong niya agad ako kung okay lang bang siya ang maging escort mo, mukha namang mabait kaya umo-o na ako."

 

"Wait, when did this happen exactly?"

 

"Two weeks go."

 

"Kailan nga ma?"

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon