Chapter 3: Video

1.4K 36 2
                                    

"Nakakaawa ka." paglabas ko palang ng classroom sa dismissal eh hinabol niya ako. "Wala kang kaibigan. Ang lungkot ng mukha mo at parang lagi kang may problema." Bakit ba ang kulit kulit nito?

"Bakit ang kulit mo?" tumigil ako at tumigil din siya.

"Kasi nararamdaman kong parehas tayo."

 

"You don't know what you're talking about." naglakad uli ako at pero sinabayan niya ako. "Go to your friends."

 

"Sadly, hindi na nila ako kaibigan dahil naging section A na ako. "

 

"Kung ganon, hindi mo sila totoong kaibigan. Dahil lang napunta ka sa section namin? Mas kawawa ka. "

 

"We hate Section Ubod that's why, no offense. Tsaka, mas kawawa ka kasi hindi mo naranasang makaroon ng kaibigan."

 

"Im not offended and it's good that you hate our section. Mas kawawa ka kasi pinaplastic ka, okay lang sakin ang walang kaibigan kung nag p-plastican lang pala kami. " Hindi siya nakapagsalita at nararamdaman kong may malaking question mark sa mukha niya.

"Ha? Weird, nung sinabi ko yan sa 3rd year na section A eh minura mura niya ako. What do you mean it's good?"

 

"Section A is full of ambitious and arrogant people. They're blinded by their fame and abilities. Normal lang na ayaw niyo sa section namin, pati ako ayoko dito. Pero ikaw? Bakit ka nagpalipat sa A?"

 

"No choice, kasunduan namin ni papa. Titino ako sa pag-aaral kung sa section D ako, pero kapag senior na ako, kailangan kong lumipat sa section A. Para raw sa section A ako g-graduate. Labo no?" napatango nalang ako."Ikaw? Transferee ka ba? Parang ngayon lang kita nakita eh?" gusto kong dukutin mata niya pero naiintindihan ko naman mga sinasabi niya.

"Like what you said, I have no friend. And having no friend means you're invisible. I'm invisible, that's why." naglakad nalang ako at hindi na siya nagsalita pa.

"Okay bye, may parating na section D, baka makita tayong magkasama." sa isang iglap ay nawala na siya sa tabi ko, I could now enjoy peace again. Pababa na ako ng stairs nang may nagtatakbuhang Grade 7 pababa at natulak ako.

"Woah!" Hindi ako mahilig sumigaw pero napasigaw ako sa pagkabigla nang may humawak sa baywang ko. "Mga bata talaga." halos manigas ang buo kong katawan nang narinig ko ang pamilyar na boses. Nakatalikod lang ako pero kilala ko iyon.

"Eser babe, let's go na." binitiwan niya ang baywang ko.

"Be careful next time. Coming babe." Hindi niya nakita kung sino ako, hindi niya kilala kung sino ako. Wew. 

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon