Chapter 40

1.1K 32 11
                                    

"Adam! Nakalimutan ko sa bahay 'yong graham cake!" sigaw ni mama habang inilalapag ang tupperware ng kanin sa picnic table sa isa sa mga tables sa Camp John Hay. "Hiramin mo 'yung susi ng sasakyan sa papa mo! Sayang 'yon!" Sigaw ni mama kay kuya na may kalayuan sa amin.

"Ma naman eh!" Walang nagawa si Kuya kundi bumalik sa bahay.

"Ano? Okay ka lang ba diyan?" Nginitian ko si mama at ginalaw ang sarii ko para mag swing yung swing. Tatlong buwan na ang nakalilipas matapos ng operasyon ko, medyo naghilom na ang panglabas pero hindi pa masyado ang loob kaya doble ingat parin.

"Ate, picture!" Ngumiti ako sa camera at nagselfie din kami ni Ayla. "Ate, tanong ko lang, hindi parin ba nagpaparamdam si Kuya Eroll? Kahit FB?" umiling ako, that bastard. "Sorry to bring that up. Sige ate, tulong lang ako 'don."

"Sige, sige." Huminga ako ng malalim. Bwisit si Eroll, aalis siya, hindi nagpaalam ng maayos kahit kila mama man lang, magiiwan ng teddy bear na "Sorry" lang ang laman, walang sulat o walang message sa FB, email, ni isa wala. Hindi ko alam kung papaano ko siya kokontakin. Bahala siya. Sabi nila, kinailangan niyang umalis agad at hindi na ako mahintay na magising.

Halos isang buwan akong na-coma, paggising ko wala na siya, sabi niya pagmulat ko nandoon siya, pero wala siya. "Nakasimangot ka nanaman." ginulo ni kuya ang buhok ko at umupo sa isang swing tabi ko. "Si Eroll yan noh?" Di ako nagreact.

"Alam mo may gusto 'yon sayo, kung umalis man siya siguro may acceptable reason naman."

"Pero kuya, may facebook!"

"Nakita naman natin na matagal na siyang hindi nagp-post diba? Baka naman busy 'yon." Hindi nalang ako sumagot. Tsk. That Boy. "Magkikita rin kayo, 'wag mo nalang muna siyang abalahin kasi siguradong busy 'yon. Magkaiba ang oras natin dito at doon. Kung umuwi 'yon ng Pilipinas, siguradong ikaw ang una niyang bibisitahin." Huminga ako ng malalim at tinitigan lang ang lupa.

"Nakakinis siya."

"Alam mo, hindi naman importante kung nasaan siya ngayon. Basta sasabihin ko sayo, ginawa niya lahat ng kaya niya para makaabot at araw araw na pumunta sa ospital nung nagpapagaling ka. Just forgive him for whatever reason he have, someday he will explain it to you. Nasa ibang bansa siya, nag-aaral so kung ayaw ka niyang i-contanct then 'wag mo nalang pilitin muna. Okay?" Tumango nalang ako. Okay, whatever, kung ayaw niya akong kamustahin.

"Kain na!" Tawag ni Daddy, inalalayan ako ni kuya na maglakad papuntang picnic table. "Adam, lead the prayer."

"Father God, you are our one and only God, the creator of all things, we thank you for this wonderful day that you once again provided us. There are a lot of things our family and each of us thank you and one of these is the fast recovery of Jane. We thank you for making her well and extending her life Lord. For this day, as we celebrate Jane's health and our family overcoming one of the greatest challenges we have encountered, help us not to forget all the lessons we learned from those experiences. We also thank you for the food we are about to partake. We bless you and we praise you, in Jesus' name,- "

"Amen.", sabi naming lahat. Nagyakapan kaming lahat, at naiiyak nanaman si mama.

"I'm so happy right now." Niyakap ako uli ni mama pero hindi masyadong mahigpit kasi masakit pa ng kaunti. Pinunasan ko yung luha niya.

"Next year, kapag fully recovered na ako ma, I'll take Theater Arts. " tumango siya at ngumiti, binigay niya na sa akin yung plato at kumuha na ako ng kanin. Masyadong silang nag-aalala sa health ko pero maghahanap si mama ng doctor ko doon atsaka magh-hire narin ng kasambahay/nurse, parang caregiver. Hindi ko nga lang masyadong malalasap yung buhay kolehiyo na medyo individual kasi may kasama parin ako na mag-aalaga sa akin.

Napakaraming nangyari sa buhay ko sa loob lang ng higit isang taon, pero agad agad din itong natapos sa loob din nga ng mahigit isang taon. Unang una, yung sakit ko at yung mga kaibigan ko, isa na si Eroll doon. Medyo masakit kasi bigla nalang niya akong iniwan na hindi man lang siya nag-iiwan ng sulat o kahit anong explanasyon. Walang message sa FB o kahit ano.

Pero, sabi nga nila, kailangang mag move on sa buhay, mag focus sa mas importanteng bagay. Tulad nalang ng pangarap ko, yung relationship ko kay God, si bonnet singer, yung kagustuhan ko pang makatulong sa iba.

Isang araw, magagawa ko lahat ng gusto kong gawin. Isang araw, makakamit ko lahat ng mga pinapangarap ko.

Hello, I'm Jane, just like my name, I'm plain ordinary. Just, plain Jane. But then, everything changed when I met a part of me, the bonnet singer. Napagtanto ko lahat ng mga bagay na hindi ko pinahahalagahan noon eh importante dahil iyon ako at iyon ang meron ako. Nakainspire, nagpaiyak, nakatulong, nagmahal; iyan ang mga bagay na nagawa ko nang ipinakilala ko sa iba si Bonnet Singer.

Naniniwala ako na ang ating mga talento ay ibinigay sa atin ng Maykapal para sa isang rason, ito ay para bigyan siya ng puri at magamit ito sa mas ikabubuti ng nakararami. Ako si Bonnet Singer, ang misteryosong babaeng hinahanap ninyo, nila at mismong ako.

The End.

The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon