Chase 3
Nandito na ako sa Shakey's. Wala pa rin sila. Pass 8 na eh. Naglalaro nalang ako ng Flappy Bird sa phone ko. Sigh. Anong oras ba sila dadating?
Nakaupo lang ako sa isang table, naghihintay sa kanila. Ang tagal. Pinapahalagahan ko kasi ang oras. Ni isang late sa klase, wala ako. Bawas yun sa conduct no'!
"Dead na naman!" I shrugged. Kainis 'tong Flappy Bird eh. Laki laki ng nguso kaya natatamaan kaagad. Umiinit na naman ulo ko. Wala eh, nagrereklamo na rin tiyan ko. Di na'ko nakatiis kaya nag-order na ako.
"Waiter!" Lumapit yung binata sakin. Wow, ang bata niyang magtrabaho.
"Yes, Ma'am?" He grinned to me.
"Spaghetti nga po."
"Is that all, Ma'am?" Tumango nalang ako at tinext ko rin ulit sina Logan at Storm kung nasan na sila. Sabihin lang nila kung di tuloy, hindi yung umaasa ako sa wala. Psh. Ni text o tawag, wala. Malalagot talaga sila. Hay.
Nung nagsawa na ako sa kalilibang sa sarili ko, nilapag ko nalang yung cellphone ko sa table. Tiningnan ko yung relo ko, mag-eeight thirty na.
"Here's your order, Ma'am." Nilapag nung waiter yung order at kumain na ako. Sarap! Pero...di ako nilibre nung Wolverine na yun. Ugh. Makakatipid na sana ako kaso wala.
"Hi...Sebsen?" Isang lalake ang umupo sa harap ko. And I can't believe that he's here. What a thick face he has. Haha. Pero, bakit parang kinakabahan ako? I think there's something going to happen and I'm not sure what that thing is.
"Hello po...Kuya Thad." I said with an unsure smile. Nakatitig lang siya sakin. Nakacheckered lang siya na damit at nakamaong pants. Bakit kaya ganito naging ikot ng mundo? Kanina, naiinis ako dahil wala pa sila Storm at Logan (still, I'm waiting) tapos ngayon dumating yung nagsabi ng 'I like you'. Ganda ng araw ko. Urgh.
"Anong ginagawa ng isang magandang babae dito at nag-iisa lamang siya?" Tanong niya with a smirk. Oh please, isang babae lang? Wtf.
"Isa lang po ba? Lahat naman ng babae maganda." Magalang pa ako sa lagay na yan ah. Napakunot naman yung noo niya. Sumipol siya at patuloy siyang tumitig sakin. As if makukuha nya ako sa tingin. Like duh? What a flirt.
"Yes. Pero ikaw lang ang nakakuha nito.." Tinuro niya yung puso niya. Ang lakas ng hangin! Wohooo! Grabe.
"Sorry po, pero di ako heart surgeon. At wala akong balak. Pero kung gusto mo, kuhanin ko na yan ng totohanan para patay ka na." Inirapan ko nalang siya. Nasan na ba sila Storm? Wala na bang movie? Badtrip. Gusto ko pa naman manuod na. Aww.
"Pa hard to get ka pa. Gusto mo rin naman ako."
"Excuse me po, ha? May appointment po ba tayong dalawa? Kasi ang pagkakaalam ko po, wala eh. Sige po, aalis na ako." Umalis na ako sa Shakey's at pauwi na sana ako pero nakita ko ang buong barkada sa harap ng Shakey's na nakatingin sakin.

BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Teen FictionRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014