Chase 16
Simula nung field trip, medyo um-okay na kami ni Dex. Wala nang masyadong away at bangayan. Yung tipong nagtiya-tiyaga na lang kami sa isa't isa. In a good and balance way.
Nakakapagod palang umakyat ng bundok! Yung rubber shoes ko, naligo na sa putik. Sama sama kami nina Yoja at Storm na magkadulas-dulas doon. Ang epic talaga. Monday na naman at papasok na kaming dalawa ni Storm sa school. Lumalamig na ang panahon kasi December na.
"Sebsen, anu-ano ulit mga homework natin? Baka kasi may nakalimutan ako," tanong sakin ni Storm.
"Umm, sa Math lang naman!" sabi ko.
"Wooh, kala ko may nakalimutan ako." Inayos niya yung bangs na nakatakip sa kanan niyang mata. "Alam mo, blooming ka ngayon 'te!"
Kumunot yung noo ko sa kanya pero ngumiti rin ako kaagad. I said thank you. But she teased me because of Dex.
"Hindi ako blooming dahil kay Dex, okay? Sadyang maganda lang yung simula ng araw ko," I said cheerfully.
"Sus bahala ka na nga!" And then we walked inside the campus.
"WHAT THE HECK?! AKALA KO BA SI SEB YUNG GIRLFRIEND NIYA? WTF, BREAK NA BA SILA?!"
"I DON'T KNOW, DUDE! BUT THIS IS REALLY SHOCKING!"
"SABI NA EH! HINDI SERYOSO SI DEX KAY SEB!"
"TAMA! HAY MAKAALIS NA NGA!"
Yun yung mga narinig naming mga sigawan sa gym. Hinila ako muli ni Storm. Kusa na akong sumama dahil narinig ko yung pangalan ko. Parang may tarpaulin na nakasabit sa corner. Hindi namin maaninag ni Storm dahil kumpul-kumpol lahat ng estudyante.
"Excuse me! Makikiraan po! Aray. Excuse me!!" sabi ni Storm habang nakikiraan kami sa iba. Hanggang sa...
"Seb!" Tinakpan niya yung mga mata ko...but it's too late. I saw that tarpaulin.
"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND, STENLI ASTERIS?" - DEXTEL MATEM
Yan yung nakalagay sa tarpaulin. Inalis ko yung mga kamay ni Storm at tumakbo na. Shiz, these tears can't hold themselves! I ran away crying...
Kala ko may pag-asa ako sa kanya. I don't even know why I'm crying right now! Is it because I held on that long? I felt something inside... my heart was shattering. He lied to me. Pinaasa niya lang ako! Akala ko ba wala siyang pag-asa dun sa Stenli na yun?! HE'S A COQUETTISH MAN! A FLIRT! Ang tanga niya! Napakamanhid niya...
"Kailangan mong maghiganti, Seb," sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Teen FictionRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014