Chase 7
Namalik-mata ako. Totoo ba yung sinasabi niya? Na gusto niya ako? Aish, Seb! Nangangarap ka bang magustuhan ng taong yan?
"Joke! Hahaha!" pagbawi niya. "I know that you're my girlfriend because of a bet, but you were never my type."
Kumurot na naman yung puso ko. This was the second time. What's happening to me? Baka nag-aadjust lang yung puso ko mula sa pangyayari kanina. Medyo malakas yung pagkakabagsak ko kanina sa sahig. I'm glad na ako yung nasuntok ni Kuya Thad at hindi si Dex. Dapat hindi siya nasaktan, pero nagawa nya akong ipaglaban kahit di kami official. I deserved this bruise on my face.
"Huy." Tawag ni Dex. Di ko napansin na natulala na ako. "Nasaktan ka ba sa sinabi ko?"
Trinay kong magsalita. Dapat sasabihin kong hindi. Pero parang may pumipigil sa akin. Sa tagal na naming pagsasama, ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ng seryoso tungkol sa feelings namin. Hindi naman yung about talaga sa feelings namin, kundi yung pagiging concern namin sa isa't isa. Noon kasi wala kaming pake kung masaktan ang isa sa amin. Pero ngayon? Nag-iba na.
"Seb! Okay ka lang?" tawag ulit sa akin ni Dex. Dun na ako natauhan.
"Oo. Medyo hindi na sumasakit yung pasa sa mukha ko," sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "A-Ano nga pala yung tanong mo kanina?"
Napakunot yung noo niya pero agad rin namang nawala iyon.
"Tinanong ko kung nasaktan ka ba sa sinabi ko kanina."
Huminga muna ako ng malalim. "Siyempre hindi. Haha! Bakit naman ako masasaktan? Ni hindi rin kita type. Saka, rivals forever right?"
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Ngumiti kami sa isa't isa.
"O, ano, balik na tayo sa klase?" Tanong ko. Di ako sanay dito sa clinic. Para akong nasa detention. Ayaw na ayaw ko yung feeling na ganun.
"Hindi ko alam kung may mukha pa akong mahaharap sa kanila," sabi nya ng seryoso ng nakayuko. Napaayos ako ng upo sa kama. Nagiguilty talaga ako. Top 1 kami ni Dex. At dapat kami ang magsilbing role model sa lahat. Baka bumaba yung grades namin dahil sa behavior na pinapakita namin sa ngayon. Every choice has a consequence.
Nakita ko yung mukha niya. May band aid siya sa kilay niya sa kaliwa. May scar rin siya sa labi. Ang galing naman niya. Napakalakas niya kahit nabugbog siya. Ngayon ko lang siya nakitang nakipag-away sa lalake. Hmm, nainlove na ba 'tong lalakeng 'to?
"Meron pa kaya." Sabi ko. Napatingin naman siya sakin. "At least proven na hindi ka bakla."
Tumawa ako ng malakas pero hindi ko masyadong maibuka yung bunganga ko ng mabuti dahil ang sakit pa rin ng pasa ko sa mukha. Nakita ko namang nanlaki yung mata niya. Pffft! Noon kasi, talagang pinaghihinalaan namin siyang bakla. Bakit? Eh hindi siya nalilink sa mga babae. Palaging aral at aral lang ang kanyang inaatupag. Nothing else.
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Teen FictionRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014