Chase 5

129 43 29
                                        

Chase 5

"HAHAHAHAHAHA!" I laughed. I never thought of him spitting those ridiculous words. "Enough with the joking, Dex. Just tell me the real one."

Nakita kong kumunot yung noo niya. He crossed his arms and leaned on the wall. "I'm not fooling around, Seb. You're seriously going to be my girlfriend now."

"Dex, pumayag na nga ako sa sinabi mo eh! Pero walang love love na ganyan! Nakakadiri!" sabi ko habang nakaturo yung index finger ko sa kanya. What would be the students' impression be when they saw the rivals walking down the hallway smiling each other? Isn't it awkward?

"Ayaw mo talaga?" He asked.

"AYAW!" Sigaw ko.

"Pwes, kung ayaw mo, gagawin pa rin natin." I was stunned with the next thing he did to me. Inakbayan niya ako. How could he do this to me?! Sinabi ko na nga na ayaw ko, ginawa pa rin. He really irritates me. Pero mutual feelings namin, we hate each other so much! Parang may apoy sa loob ko. I don't know with him. Basta alam ko, we're rivals.

Napatakip na lang ako ng mata nang magsalita siya, "Remember, you're my genie. First wish ko pa lang 'to, pumapalag ka na, paano pa sa apat na susunod?"

He smirked and we walked through the corridor. Ano bang plano niya? Bakit ba gusto niya akong maging girlfriend? Napakaraming bagay dito sa mundo ang pwede niyang ipagawa sa akin. Bakit ba nya ako pinaparusahan ng ganito?!

"Oh my g! Bakit nakaakbay si Dex kay Seb? Bumaliktad na ba ang mundo?"

"Sabi ko sayo eh, DexSen love team na."

"Nakakapanibago sa paningin, pre! Talaga pag meant to be, meant to be!"

"Di sila bagay. Mas bagay sila pag nag-aaway. Mas intense. Kaysa ngayon, landian na ang peg. Tss."

Yan yung ilang mga bulong na tinamaan talaga ako. Ako yung kinikilala nilang PDA killer tapos ngayon, isa na ako sa mga lumalandi. Damn Dex!

Naglakad kami hanggang sa may locker niya at dun niya na ako binitiwan. Di ko na talaga kaya!

"What's your problem?!" I retorted. Nagwhiwhistle lang siya habang may hinahanap sa locker niya. Para akong sirang plaka na parang walang kausap. "Nasisiraan ka na ba ng bait? I thought you were wise, Dex. But no, tanga ka! Mas pag-uusapan tayo ngayon. Lalo na't top 1 tayo sa section Optimus! Anong gusto nilang ma-interpret? Na okay lang maglandian kung mataas na yung grades? Dex, think! You just care about yourself pero gusto ko lang iremind na kasama ako!"

"Shut up, Seb! Alam ko! Mag-isip ka rin. Kasi kung hindi mo brining-up yung about sa bet, edi sana walang ganito. Um-oo ka nga nung sinabi ko na may kondisyon dahil hindi sakto sa plano ang nangyari. So, what the heck is wrong now? Sana naman magkaron ka ng isang salita!" He sighed and caught some air first. "Madali lang sumagot ng oo at hindi. Pero mahirap kung hindi ka sigurado. Kaya kung anuman ang sinabi mo, panindigan mo."

Chasing My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon