Chase 8
"Who did this to you, bunso?! Ha?!" galit na galit na tanong ni Ate Niam. What will I tell them now? Na prinotektahan ko yung kunwari kong boyfriend mula sa pagsuntok ng karibal niyang may gusto rin sakin? I will just look stupid in front of them.
"Oo nga! Takte, I'll kill her! Nakakainis siya! What will mom and dad tell you now?" sermon rin sakin ni Ate Jana.
"Ate Niam, Ate Jana!" Parehas nakakunot yung mga noo nila at nakapameywang sa harap ko. Nakaupo ako ngayon sa sofa para daw makausap daw nila ako ng masinsinan. "Aksidente ang nangyari kaya sana wag nyo na pag-initan kung sino man ang gumawa sa'kin nito."
"Kilala kita, Seb. Palaban ka at alam kong dapat galit ka ngayon. Dapat ngayon nagpaplano ka na kung paano ka maghihiganti sa taong yun. Dapat binubusog mo na siya ng lait sa harapan namin. At dapat, sumisigaw ka na ng kung anu-ano dito. Yung tipong nagwawala ka. Pero, bakit hindi nangyayari yun? Bakit kalmado ka?" pataray na tanong ni Ate Niam. She sighed and crossed her arms. Am I that harsh? As in yung nagiging animal na ako pag nagagalit noon? Ano bang meron sa suntok na yun at binago ako ng ganito? Napakadaming tanong ang hindi ko masagutan. It's so confusing.
"And Seb, alam kong nawala kami ng ilang linggo. Hindi ibig sabihin nun, nagbago na ang tingin namin sa'yo dahil nakapunta na kami ng Korea what so ever. Kapatid ka pa rin namin, Seb! Don't ever forget that." Napatayo nalang ako at napayakap sa kanila. Bigla nalang ako humagulhol sa iyak. I missed them so much to the point where I really want to tell everything to them right now.
Hinihimas nila yung likod ko ngayon. I can feel their warmth and love. So good that they are back.
"Iiyak mo lang yan, Seb. Gagaan rin loob mo," support sakin ni Ate Niam. "Kaya mo yan, nandito kaming lahat para sa'yo." Tumango rin si Ate Jana bilang pagsang-ayon.
"S-Salamat talaga Ate Niam, Ate Jana. I love you so much." Napahiwalay na ako sa kanila at ngumiti.
"So, sasabihin mo na ngayon kung anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Ate Jana. Tumango naman ako.
"So it's a HIM not a HER. The fudge. BAKLA YUN AHH!" sigaw ni Ate Niam.
Sinabi ko sa kanila ang lahat. Minsan gusto na nilang sugurin si Kuya Thad pero napapakalma ko naman sila. As in umuusok na yung tenga at ilong nila sa galit. Napakaprotective nila, and that's why I love them.
"Seb, we're proud of you for being one of the topnotchers in class but you didn't know what you got into. Pwede ka namang maging top 1 kahit hindi mo ibring up yung bet na yan, diba?" Napakamot sa ulo si Ate Jana. "Basta Seb, wag mo nang gagawin yun ha? Ikaw rin kasi napapahamak."
"Saka, kaloka ka girl ha! Baka ma-fall si Dex sa'yo." Tumawa ako sa sinabi ni Ate Niam.
"Yes Ate Jana, I've learned my lesson. And Ate Niam, nope, may gusto siyang iba."
"Good. Ngayon, pupunta tayo sa doctor para mawala na yan. Nako, baka tuluyang maging color violet yan. Hay. Tapos didiretso na rin tayo sa dermatologist bago pa man dumating sina mama at papa at pati na rin yung ibang kapatid natin. Okay?"
BINABASA MO ANG
Chasing My Rival
Teen FictionRivals since birth. I knew him, and he knew me. Our worlds rotate along the axis of rivalry. Will that axis remain, or will it be broken? \ copyright 2014